Balewala

105 4 6
                                    

Sa isang relasyon marami ang pagsubok na mararanas niyo.

Susubukin ang PASENSYA.

TIWALA.

PAGIGING TAPAT

AT PAGMAMAHAL.

Masusubok kung gano kahaba ang pasensya mo na kaya mo ibigay. May mga bagay na kinakailangan ng pag-inrindi. Pag-intindi sa mga bagay bagay na dapat bigyan ng pansin ata dapat palipasin na lang. Kailangan ng mahabang pang-unawa para maintidihan ito.

Isa sa pinakaimportanteng bagay ang TIWALA sa isang relasyon. Kailangan pagkatiwalaan niyo ang isa't isa. Alam natin na mahirap magtiwala, pero kailangan dahil mahalaga ito. Kahit mahirap ibibigay mo pa din ito sa kanya dahil mahal mo siya.

Dito sa part na to laging nagkakaproblema. Laging sanhi ng away at kadalasan paghihiwalay. Mahirap ba maging totoo? Kung hindi ka tapat sa mahal mo dun pa lang sinira mo na tiwala niya sayo. Maging totoo ka para hindi syang yung tiwala na binigay niya sayo. Mahirap pag ang tiwala ay nagkalamat. Don magsisimula ang lahat sa maliit na lamat na yun ang pagkasira ng lahat. Kaya pagkaingatan mo ito.

Pagmamahal ang talagang magbubuklod sa inyong dalawa. Masarap magmahal at mahalin pero sana totoo at walang halong kalokohan.

Pero pano kung lahat ng nasbi ay binalewala?

Kahit na gano mo kamahal ang isang tao makakaya mong bitawan ito. Hindi sapat na sabihin na mahal ka niya ay dapat makuntento ka na. Mahirap set sa isip na kaya ko to kung ang sabi ng puso mo ayaw mo na.

Bakit kailangan balewalain ang mga bagay na sa tingin mo ay hindi importante na sa iba ay napakaimportante.

Lahat naman siguro ginawa mo di ba?

Pero bakit kailangan balewalain ka lang?

Masakit, sobrang sakit na parang pinapatay ka paunti-unti. Yan ang sakit na hindi mo maitatanggi. Yan ang mahirap pagnaramdaman mo. Kasi pakiramdam mo KULANG kasi nakakaya ka niyang BALEWALAIN.

Sana lang bigyan niyo ng pansin ang mga bagay bagay na pinaparamdam ng taong mahal mo. Gusto niya lang na mapansin mo, maramdaman mo kung gano ka nila kamahal kaya sana wag mo balewalain.

Baka magulat ka na lang isang araw wala na siya sa tabi mo saka mo lang siya bigyan ng halaga. Sana wag dumating sa point na ganun. DAPAT IPARAMDAM MO NA IMPORTANTE SIYA para di niya isiping BINABALEWALA MO SIYA.

Merry Christmas Guys..

LOVE LOTS

NYLECORE.

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon