Marami sa atin ang nakakaranas na masaktan ng sobra. Lalo na kung 'yung taong mahal natin ay binabalewala lang 'yung mga bagay na binibigay mo at nilalaan mo para maging ok kayo, Para lang tumatag pa 'yung relasyon niyo.
Bakit ba masyado na marami ang nawiwili sa pag-iwan ng taong nagmamahal sa kanila?
'Yung tipong lahat na nga ginawa nila para hindi iwan pero in the end iniwan pa rin sila.
Hindi lang basta iwan ang nangyari, Tipong biglaan.
Parang kausap mo lang sa phone kagabi kinaumagahan nung tinawagan mo "Out of coverage area" na.
"Yung iba naman sadyang makapal ang mukha magkasalubong kayo pero dedma ang peg niya parang di ka kilala. 'Yung totoo wala ba kayong relasyon?
May mga pangyayari din na masaya kayo ngayon, bukas iyak tawa kana kasi hindi na nagpaparamdam sayo.
Ang sarap sapakin 'yung pagmumukha ng taong ganyan. Hindi ba nila alam kung gano kasakit na iwan na lang bigla-bigla?
Mabuti sana kung sabihin na lang 'yung reason kung bakit hindi ba. Kesa umaasa ka sa wala. Hindi ba nila alam na bawat araw na lumilipas lalo kang nasasaktan? Kasi sa bawat araw na dumadaan patuloy ka paring kumakapit sa wala. 'Yung tipong biglang preno ng dyip tapus ikaw biglang hawak na akala mo may mahahawakan 'yun pala wala, kaya in the end mas masakit ang mararamdaman mo kasi full force na ang bagsak mo.
Parang sa totoong buhay. Mahirap ang nakakapit kasi nakakangawit, masakit sa braso habang tumatagal nakakangalay pero ayaw mo parin bitiwan kasi baka pagbumitaw ka malalaglag ka o di kaya matutumba mas masakit 'yun.
Sa mga taong nang-iiwan ng bigalaan. Nakatayo na yung gitlang daliri ko sa kamay sumasaludo na sayo! sorry medyo hard pero yan ang bagay sa inyo.
Mas pipiliin ko na lang na masaktan ng lbiglaan buti 'yun alam ko. Buti pa sabihin niyo na lang yung totoo. Kung ayaw niyo na sabihin niyo, 'wag yung basta-basta niyo na lang iwan ano yan TAE? Baka hindi ka tao kasi ang alam ko na gumagawa niyan isang ANIMAL. Paglumabas na 'yung dumi aalis na lang bigla wala nanglingon lingon parang walang nangyari. Kung gusto niyo na bumitiw sabihin niyo. Kung iniisip niyo masasaktan siya at ayaw mo mangyari 'yon. Kahait baliktarin natin masasaktan at masasaktan pa rin siya. Isipin niyo naman tao din yan nasasaktan. Mas mahirap kumapit kung wala na makapitan.
SANA SA MGA TAONG MAHILIG MANG-IWAN SA ERE.
DARATING DIN ANG PANAHON NA MALALAMAN NIYO DIN ANG PAKIRAMDAM NA INIWAN NG BIGLAAN.
MAY KARMA YAN.
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Non-FictionAdvice "Kuno" hihihi anything about LOVE :) Copyright © 2013 by Nylecore. ALL RIGHTS RESERVED.