The Sign

160 4 9
                                    

Gusto ko lang magpasalamat sa gumawa ng Cover ng Love Hurts hehehehe Thank you po nagustuhan ko po siya.

________________________________________________________________________________

Halos lahat ng taong in love kadalasan naka salalay dito kung ano ang mangyayari at ano ang dapat gawin.

Madalas ang laging nanghihingi nito ay mga babae.

At yun ay ang SIGN.

Kadalasan ito din ang naguudyok sa atin na magsimba para lang makahingi ng SIGN.

Ano kaya kung one time pumasok ka ng simbahan tapus mababasa mo yung mga hiling ng bawat tao na nagdarasal sa loob ng simbahan.

I'm sure pagteenager ang katabi mo eto ang mababasa mo.

"Lord sana po mapansin na ako ng crush ko. Bigyan niyo po ako ng sign mamaya kahit ano po basta sign na magkakagusto po siya sa akin, Pls. po."

Pano kaya kung pag uwi niya sa bahay nila natamaan siya ng bola.

Kasi naman nakatunganga siya at naghihintay ng sign yun pala may naglalarong mga bata. Dahil sa kakaisip niya natamaan siya. Tapus biglang magtatatalon kasi yun na yung sign niya.

Tsk tsk tsk.

Ikaw sa tingin mo sign na ba yun o sadyang umiral lang katangahan niya.

Di ko sinasabi na mali maniwala sa Sign. Kahit ako ginagawa ko rin yan humihingi din ako ng sign. Pero wag naman sa lahat ng oras ganun. Yung tipong nakasalalay na yung bawat araw mo sa SIGN.

Yung tipong "Kakain ba ako ngayon o hindi? Maghihintay ako ng sign."

Pano pag 1 week na wala paring SIGN e di 1 week ka ding walang kain.

Wag natin isalalay ang mangyayari sa atin dahil lang sa sign. Hindi masama na maniwala at gawin iyon pero ilagay sa lugar.

Hindi naman yung SIGN gumagalaw eh kundi ikaw.

Hindi naman yung SIGN ang gumagawa kung ano mangyayari sayo sa araw na to.

SAYO nakasalalay ang lahat.

Depende sa mga ginagawa natin ang siyang magiging resulta kung ano mangyayari sa atin bukas.

Kung tamad ka at nakahilata ka lang buong maghapon may mangyayari bang maganda?

Tas naghihintay ka ng SIGN

Ako ba'y pinagloloko mo? Nakahilata ka lang tapus nakasalalay ka lang sa sign at ang hiningi mo pa na sign kung magiging mayaman ka.

WOW ha?

Siguro nga magiging mayaman ka.

Mayaman sa KALYO MO SA LIKOD dahil sa kakahilata mo.

Nasa Diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa.

Kagaya nung hiling nung teenager.

Wag mo isalalalay ang magiging lovelife mo sa SIGN. Ginawa mo pang gayuma ang SIGN.

Nakabase pa rin sayo kung magugustuhan ka ng Crush mo o hindi. Hindi naman Kupido yung Sign para utusan mo na magkagusto sayo yung taong gusto mo.

At Please wag ka papasok ng simbahan dahil lang hihingi ka ng SIGN.  

Baka nakakalimot ka din kaya di matupad-tupad yung gusto mo dahil tuwing pumapasok ka ng simbahan puro sign ang bukang bibig mo at yung crush mo. Please magbago ko galangin mo din siya.

Sign

isang word na madami ang nahuhumaling.

ikaw

Na niniwala ka ba sa sign?

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon