Chapter 3

8 0 1
                                    

Cheska's Pov

"Tao! May tao ba ditooo? Help me!" Sigaw ko. Nagising ako na nakaupo ako sa isang upuan na nakatali sa likod ang kamay at nakapiring ang mata

"Tumigil ka! Napaka ingay mo. Kahit anong sigaw mo walang makakarinig sayo dito!"

"Sino kayo? Ano kailangan niyo sakin? Anong kasalanan ko?" Sunod sunod na tanong ko dahil diko talaga alam bat ako dinukot ng mga panget nato.

"Ingay mo!" sagot nya. Ano ba kailangan ng mga to sakin, di kami mayaman kaya kung kinidnap nila ko para sa pera pwes wala silang mapapala.

*Booogsh*  bukas ng pinto na halos masira na ang buong kwarto.

"Boss!" rinig ko na sinabi ng lalaking nasa tabi ko.

"Nakuha niyo ba?" rinig ko na sabi ng tinatawag nilang boss. Infairness ang macho ng boses ah

"Yes boss! Sya yung anak ni bernard henjil the second" rinig ko na sabi ng isa pang lalaki na kasama nilang dumukot sakin. Pero teka, bernard henjil the second? E ang alam ko pangalan ng tatay ko dodong atsaka henjil daw? Anong henjil pinagsasabi ng mga to? Montes ang apelyido ko noh. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sigawan ang mga bobong dumukot sakin pero nakaramdam ako ng palad na dumapo sa muka ko

"Hi dear." May lambing na sabi nito, kung di ako nagkakamali sya yung sinasabi nilang boss "Sorry kung nadadamay ka sa kasalanan ng pamilya mo ah." dagdag nito.

"Wala kayong mapapala sakin. Mga gago!" Inis na sabi ko, isa pa palang bobo tong boss nila eh.

"Bad!" Sabay naramdaman ko ang mahinang pagtapik nito sa pisngi ko "Dko alam na may pagka eskwater ang ugali ng nag iisang unika hija ng mga henjil"

"Mga tanga! Anong henjil pinagsasabi nyo? Para sabihin ko sainyo mali kayo ng dinukot niyong tao. Kahit ata padalhan nyo yung mga yun ng picture na duguan ako wala kayong matatanggap na kahit anong reaksyon sakanila!" Sigaw ko ulit. Nakakainit ng ulo na tinali nila ko at kinaladkad dito para lang malaman ko na tanga sila at napagkamalan lang nila ko.

"What? What do you mean?" nagtatakang sagot ng boss nila.

"Mga tanga rin kayo noh? Muka bakong anak ng isang mayaman na negosyante? Sa suot kong to! Para sabihin ko sainyo simple, ordinaryo at mabuting magulang lang ang nanay at tatay ko. Wala kaming mansyon at datung kaya kung sasabihin nyo sakanila na dinukot nyo ko at hihingi kayo ng malaking halaga e baka luha lang ang maibi--" Diko na natapos sasabihin ko dahil bigla nalang netong tinanggal ang takip ko sa muka. Nung una malabo pa ang paningin ko bukod sa matagal na mahigpit na pagkakatakip sa mata ko e hindi ko suot ang salamin ko sa mata natanggal siguro kanina nung sapilitan akong kinaladkad ng mga lalaking to tinignan ko yung paligid medyo madilim ito hula ko e nasa isang abandonadong building kami.

"Sir baka kasinungalingan lang ang sinasabi nyan para pakawalan natin siya! Nakita kong sumakay sya sa kotse ng anak ni bernad henjil the second at imposibleng magkasintahan sila dahil walang napabalita na may dinidate to kaya malamang sya ang tinatagong babaeng anak ng mga henjil" Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko. So, isa sya sa panget na dumukot sakin.

"Kahit kelan talaga mga palpak kayo!" Nagulat ako sa sigaw ng lalaking nasa harap ko kaya napatingin ako sakanya. And ang masasabi ko lang e kanin nalang kulang dahil may ulam na, ang gwapo at ang tangkad niya tas parang sa gym na ata to nakatira dahil ang ganda ng pangangatawan nya siguro pag tinangal yung damit nya ang ganda din ng abs nya. Hehe Hi boss!

"Sir sya talaga yung anak ng--"

"Shut the fuck up!" Sabay bunot neto ng baril na nasa tagiliran nya at tutok dun sa nagsalita. Napasinghap ako sa gulat at parang nanigas ako sa kinauupuan ko ng bigla itong tumingin sakin huhu ayoko pa mamatay lord. Binabawi ko na yung mga magagandang sinabi ko kanina about kay boss huhuhu! "kunin ang babaeng yan at ikulong niyo sa kwarto!" Biglang nagsilapitan sakin ang mga tauhan nya at dali dali akong kinalagan.

"T--teka! Diba dpat pa--pakawalan niyo na--nako kasi hindi na--naman ako yung taong kailangan niyo!" Nauutal na sabi ko. Tama naman diba? Dat pakawalan na nila ako at kunin na nila yung taong dapat nilang kunin.

"Tingin mo kasing tanga ko mga tauhan ko? nakita mo na kami at alam mo na ang plano namin. Pag pinakawalan ka namin pede ka mag sumbong sa mga pulis kaya kung pede na patayin ka nalang namin para--"

"No. No please! Wag niyo ko patayin! Kailangan pako ng magulang ko. Di ako magsusumbong sa pulis, itatahimik ko bibig ko. Pangako! Kunyare nalang di to nangyari. please pakawalan nyo nako." Diko na pinatapos yung sinabi nya dahil natakot ako sa sinabi nyang papatayin nila ko. Jusko! Wag naman sana kailangan pako ng pamilya ko.

"Sorry dear pero di ko pede gawin yan!" Sabay taas ng kamay nya na parang sinasabing 'dalhin na yan!' At mabilis pa sa alaskwatro na dinala ko ng tauhan nya sa isang kwarto at itinapon na parang basura. Mabilis ako na lumapit sa pinto pagkasara na pagkasara palang nila

"Pakawalan niyo ko! Maawa kayo! Pakawalan niyo ko!" Sigaw ko na may kasama pang pag pukpok sa pinto. Paulit ulit kong ginawa yun pero parang bingi sila na di nila naririnig mga pakiusap ko, napaupo nalang ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"Diyos ko kayo na po bahala sakin!" Natatakot na talaga ko pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at dun ako umiyak ng umiyak hanggang sa diko namalayan na nakatulog na pala ko.

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora