Cheska's Pov
Nagising ako dahil sa palad na humahaplos sa muka ko, unti-unti kong dinilat ang mata ko.
"Goodmorning mahal ko" bati sakin ng demonyong nasa harapan ko, iniwas ko ang muka ko sakanya "Galit kaba sakin mahal ko?" Mahal ko? Masarap sana pakinggan yan kung hndi nanggaling sa isang demonyo.
"Bakit ka andito?" Malamig na tanong ko.
"Masama bang bisitahin at kunin ang pag aari ko?" Sabi nya. Ang kapal tlga ng muka psh. "Tara?"
"Huh?! Papakawalan mo naba ko?" Tanong ko. Hndi kaya naisip nya na pakawalan nako?
"Why would i? Di pako nababaliw mahal ko para gawin yun" bumagsak nman ang balikat ko sa sinabi niya.
"E san tayo pupunta?" Tanong ko
"Sa bahay ko"
"Ano? sa bahay mo? At sa tingin mo sasama ako sayo? No way!"
"Sa ayaw at gusto mo sasama ka sakin" Sabay hila niya sakin palabas ng kwarto kung san nila ko kinulong dati.
"Boss blade!" Tawag sakanya ng isang nyang tauhan. Blade? Blade ang pangalan nya, bagay na bagay sa personality niya.
"Anong balita?" tanong niya
"Wala padin boss, masyadong mahirap makilala kung sino yung unika hija nila"
"Masyado talaga nilang pinahalagahan ang pinakamamahal nilang unika hija." Nakita ko pa ang pagtiim bagang niya "Sa oras na di nyo pa naipakita sakin ang babaeng pinapahanap ko sainyo, alam niyo na kahihinatnan niyo parang iisang babae lang hirap na hirap pa kayo. Alis!"
"O-opo boss!" Sabay talikod ng lalaki. Di nakaligtas sakin yung namumutla nyang muka, sa takot siguro. Kahit nman kasi sino matatakot dito sa demonyong to. Mukang bata pa nman yung lalaki at sayang itsura niya, may itsura kasi sya tas sa ganitong trabaho lang sya pumasok.
"Bakit mo sya tinitignan?"
"Ay demonyo!" di nman pasigaw pagkakasabi niya nun pero dahil malademonyo ang boses nya nakakagulat parin tlaga.
"Gusto mo ba siya kaya mo siya tinitignan?"
"E ano nman kung tinitignan ko siya? Masama ba?" OA neto psh.
"Masama lalo na kung ikaw, isa pang beses na mahuli kong tignan mo siya di ako magdadalawang isip na patayin siya" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, seryoso ba sya?
"Seryoso ako." sabay hila niya sa kamay ko
--
Nagising ulit ako ng may humihimas sa pisngi ko.
"Andito na tayo" Si demon ulit pala. Ba't ba hilig neto himasin ang pisngi ko psh -________-
Nagtingin-tingin ako sa labas ng bintana. Teka, saan 'to?
"Nasan tayo?" Tanong ko. Diko kasi alam kung asan kami dahil pagsakay palang namin ng sasakyan niya nakatulog nako, ang lambot kasi ng upuan ng sasakyan niya tapos may aircon pa. Namiss din ng katawan ko humiga sa malambot na kama at sa malamig na kwarto ah. Miss ko na kwarto ko, sobra :(((
"Sa lugar kung san nagtatago ang mga kriminal."
"Teka, bat mko dinala dto? Di nman ako kriminal ah? Di ako bagay dto."
"Kriminal ka dahil ninakaw mo ang puso ko pero di ka tlga bagay dto kasi sakin ka lang nababagay."
Parang gusto ko matawa sa narinig ko. Sya ba talaga nagsabi nun? Sobrang pigil ang tawa ko dahil baka mamaya pikunin pala to at baka pag tinawanan ko barilin ako.
"Narinig ko lang yan sa mga tauhan ko na sinasabi sa mga babae nila. Wag mo subukang tumawa!" Seryosong sabi nya sabay baba ng sasakyan.
O_____________O
Owkeeeeey! Ang isang astig at walang emosyong katulad niyang kriminal magsasabi ng ganun? Wow. Just wow!
ESTÁS LEYENDO
Right Man In A Wrong Body
Abenteuer"If love is a crime, i will be a criminal to you my love."