Cheska's Pov
Wala akong magawa habang wala si blade kaya naglinis muna ako ng mga kalat sa kitchen at ng matapos ay nanuod ako ng tv ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si blade na maraming bitbit na paper bag.
"Ano to?" Tanong ko sakanya ng iabot nya sakin ang mga paper bag
"Damit mo" simpleng sagot nya at upo sa tabi ko. Oo nga pala dito na daw ako titira sakanya sa ayaw at gusto ko.
"Salamat" Diko alam kung dapat ko ba yun sabihin sakanya pero sinabi ko padin. Aba! Bagong damit din to ah? Atsaka mukang mamahalin lahat.
"Inaantok kana ba? Gusto mo nabang magpahinga tayo?" Tanong niya.
"Hmm oo sana. Medyo inaantok nadin kasi ako"
"Tara na?"
"Saan?"
"Sa kwarto. Matutulog na"
"Ano? S-sa k-kwarto mko matutulog? K-kasama m-mo?"
"Yup. Iisa lang ang kwarto ko atsaka anong masama dun?"
"Nababaliw kana ba? Anong masama? Babae ako at lalaki ka. Di nga kita kilala eh tas tatabi ako sayo? Mamaya ano pang gawin mo sakin. Ayoko! Dito nalang ako matutulog sa sofa!"
"Hindi pwede"
"Hindi pwede your face! Alis na! Magpapahinga nako" Sabay higa ko sa sofa ng patagilid nakaupo pa siya sa kabilang dulo kaya medyo nakabaluktot pako. Ang tagal ko din nakapikit ng maramdaman kong tumayo siya at pinatay ang tv at naglakad papuntang kwarto niya.
Ilang oras nakapikit pero di padin ako dinadalaw ng antok ko bumangon ako at umupo sa sofa habang nakatingala sa kisame. Kamusta na kaya sila mama pati si marie, gusto ko silang makausap baka sobrang nag aalala na sila sakin. Kung kausapin ko kaya si blade na kung pede ko ba tawagan si marie at sila mama, kakausapin ko lang sila para malaman nila na buhay pako. Oo tama kakausapin ko si blade, naglakad ako papuntang kwarto ni blade kumatok ako pero walang sumasagot hinawakan ko ang doorknob at dun ko nalaman na di pala to naka-lock kaya pumasok nako sa loob. Nasa loob pala ng shower si blade kaya pala di siya sumasagot, umupo muna ko sa kama at aantayin ko siyang lumabas. Ilang minuto din ako nag antay pero parang wala na atang balak lumabas si blade ng cr kaya naisipan kong bukas nalang sabihin sakanya nakaramdam nadin kasi ako ng antok, pipihitin ko na yung doorknob ng marinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya humarap ako pero agad na nanlaki ang mata ko dahil hubad na blade ang nakita ko O________O
"Waaaaaaaaaaaaaaah!" Napasigaw ako sa gulat sabay takip ng mata ko.
"Bakit? Bakit ano nangyari sayo?" Naramdaman kong lumapit sya sakin at tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa muka ko saka hinawakan ang pisngi ko.
"Waaaaah! Bastos! Bastos! Lumayo ka sakin manyak ka!" At hinampas hampas ko sya sa dibdib.
"Teka nga!" Sabay hawak nya sa dalawang kamay ko na humahampas sa dibdib nya
"Manyak! Bitawan moko!"
"Sino kaya satin? Ikaw itong pumasok sa kwarto ko. Gusto mo bakong silipan mahal ko?" Sabay smirk nya.
"Ang kapal mo! Asa ka!"
"E bakit ka andito? Akala ko ba ayaw moko makatabi matulog? Nagbago naba isip mo?"
"Oo ayaw kita katabi matulog at kahit kelan di magbabago ang isip ko!"
"Edi anong ginagawa mo dto?" Natahimik ako sa sinabi nya.
"Hmm ano kasi.. ano.."
"Ano?" Sabay lakad nya papunta sa closet nya at kumuha ng damit buti naman naisipan nyang magbihis. Di naman talaga siya talagang nakahubo't-hubad pero kasi naka brief lang sya at bilang isang dalagang pilipina first time ko lang makakita ng live ng lalaking naka-brief lang.
"Anong gusto mo sabihin?" Lumapit ulit siya sakin ng naka-boxer at sando na.
"Blade pwede bako makitawag sayo? Gusto ko sanang tumawag kila mama at kay marie pero wag kang mag alala diko sasabihin kung nasan ako. Gusto ko lang ipaalam sakanila na buhay pako, please blade?"
"Sure. Sa isang kondisyon?"
"Ano yun?"
"Dito ka matutulog sa kwarto ko"
ESTÁS LEYENDO
Right Man In A Wrong Body
Adventure"If love is a crime, i will be a criminal to you my love."