2 : Bipolar

79 8 2
                                    

Yeri

"Sinong sinisilip mo?"

"Yung crush ko."

Ay kinilig ang bruha.

"Namumukhaan kita." napaisip ako ng malalim. "Kaklase kita, di ba?"

"Yerina...di ba ikaw yun?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Ah, tama!" Hindi ko inaasahan ng bigla niya akong hilahin paupo at pwersahang tinakpan ang bibig ko.

"Ssshh!" Nakakatawa ang paraan ng pandidilat niya ng mata para sana takutin ako. "'Wag kang maingay!" saway pa nito na ikinatawa ko. Agad rin naman niyang inalis ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Irish Bree Gomez, tama?" bulong ko.

Nagtataka siyang tumango. "'Wag mong sabihing kabisado mo na ang buong pangalan ng lahat ng kaklase natin?"

Nakagat ko ang sariling ibabang labi. "What if yes?"

Biyernes na ngayon. At hanggang ngayon, natatampal ko pa rin ang sariling noo tuwing naaalala ko yung insidente sa loob ng banyo ng mga babae no'ng Lunes.

At ang matindi, siya pala yung hinahanap nung mga babaeng akala mo fans' club ng mokong na 'yon. At kung paano ko nalaman? Yun ay dahil sinabi ni Zette.

Famous pala talaga.

"Hindi siya freshman?" I unconsciously murmured.

"Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Irish.

"Wala, wala." pilit akong ngumiti. Ibinaling ko ang paningin ko sa kwartong katapat ng pinagtataguan namin ngayon. "Nandiyan sa loob yung crush mo?"

"Oo." ngiting-ngiti siyang tumango.

"Don't you know that stalking is not a good habit?"

Napalingon ako sa panibagong boses na narinig ko. At halos mapanganga ako ng makitang yung mokong na guy sa banyo ng girls ang nasa likuran namin na siyang nagsalita. Tama, siya nga si Timothy.

"Pakialam mo naman?" mataray na tanong ni Irish na wala man lang yatang planong lumingon sa taong nasa likuran namin.

"Irish..." nanginginig ang kamay na sabi ko habang hinihila siya sa laylayan ng kanyang blouse.

"Ssshhh...wait lang, Yeri." sinaway pa ako nito at tinaboy ang kamay ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking bored na bored na nakatingin sa 'ming dalawa.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil napasama pa ang pag-approach ko dito kay Irish.

Kung sana lang basta na lang akong dumaan eh di sana hindi ako nakita nitong lalaking 'to na kasama si Irish. For damn's sake hindi ako nang-iistalk na tulad ni Irish! Aish!

"You're seeing it wrong." Yun lang ang tanging naisip kong sabihin.

Hindi ko pa rin siya kayang harapin dahil sa kahihiyang nangyari no'ng Lunes.

"Akala mo kung sinong gwapo! Eh maputi lang naman siya, ang kapal ng mukha!" inis akong napapadyak bago mabilis na lumabas ng pinto.

Kung kanina naiihi ako, ngayon ay hindi na!

Hinawi ko pa siya ng maabutan ko siya dahil talagang gusto kong iparating sa kaniya ang pagkairita ko.

Pero sa hindi inaasahan...

"Let us assume that this never happened." mahinang bulong ng pesteng lalaking 'to matapos ipamulsa ang mga kamay. Gusto kong maiyak no'ng basta na lang niya akong lagpasan.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon