8 : Eh di bakla ka rin?

61 7 12
                                    

Yeri

Pinili ko na lang na huwag na munang pansinin ang mga kalandiang lumabas sa bibig ni Timothy para sundan ang kapatid kong kasama si Clyde. I can't afford to lose them on track!

Pero first of all, what are they doing here?

"Aish, Mist!" I hissed silently before running to follow them.

"Chloe!"

Nang ibaling ko ang paningin ko kay Timothy ay nakatayo na ito at naghahanda na para sundan ako. Natataranta niyang binuksan ang kaniyang wallet para iwan sa ibabaw ng lamesa. Bayad siguro sa mga in-order niya.

Hindi ko na siya hinintay. Dahil baka mawala pa sa paningin ko sila Mist. Ayaw ko namang malaman nila na nakita ko sila kaya naman nang malapit na ako sa kanila ay nagdahan-dahan ako sa pagkilos para hindi nila maramdaman ang presensya ko.

Napabalik ako sa pagtatago no'ng lumiko sila para pumasok sa loob ng isang fast food chain. Kung ano-anong ideya na ang pumapasok sa isip ko. Pero heto ako at naduduwag na magpakita para deretso na lang na itanong ang dahilan ng pagkikita nila. Kung iisipin ay mas magiging simple kung gano'n na nga lang ang gagawin ko. But I'm too afraid.

Ayokong malaman ng kapatid ko na gusto ko si Clyde. Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ng siraulo kong kapatid sa oras na malaman nito na gusto ko yung lalaking kasama niya.

Bakit ba kasi magkasama sila?!

Hindi ako mapakali. I can't think straight. I am chewing my lower lip while walking back and forth. Sa palagay ko nga ay nawiwirduhan na sa 'kin ang mga taong dumadaan.

Inilabas ko ang phone ko para i-text si mama.

To: Mama

Ma, si Mist nasaan?

Ibinalik ko kila Clyde ang paningin ko at nakita ko silang masayang nag-uusap. Normal lang kay Clyde ang maging nice sa lahat ng tao sa paligid niya. Kaya naman nag-aalala ako na baka pagtripan siya ng kapatid ko at abusuhin ang kabaitan niya. Hindi sa sinasabi kong bully ang kapatid ko, sadyang hindi ko lang talaga kontrolado ang isip ng loko-loko kong kapatid na 'yon. Isa siyang pilyo!

For a second, I was mesmerized again by Clyde's eye smile. 'Yun talaga ang pamatay sa looks niya. Sa oras na ngumiti siya ay nawawala ang mata niya. Napakagwapo niya kahit na naka-simpleng plain colored shirt lang siya at fitted jeans.

Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko kaya matulin ko iyong hinalungkat mula sa bulsa ng jeans ko.

From: Mama

Lumabas sandali. Kasama yung kaibigan niya.

"Kaibigan?!" I glared at Mist as if he could see it. Mabuti na lang talaga at tanaw ko sila mula dito sa pwesto ko. "At kailan pa sila naging magkaibigan?" Gusto kong matawa dahil sa sarili kong tanong.

"You left me without a word after I tried feeding you a dinner. Woah there, nagger."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Timothy sa likod ko. I took a breath first before turning to him. "Bakit mo ako sinundan?"

His arms are crossed and his eyebrows are furrowed. I bet that his lips are in a thin line kahit na may takip iyon ng itim na mask.

"Where's your manners?"

"What?" I can't believe that he's acting like this when I am definitely not in the mood to argue with him.

"You're with me."

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon