Yeri
"Hand me a bottled water."
Napairap ako. "Saan nakalagay?" Nilapitan ko ang bag niya.
"Come on, Chloe. Where do you think it is located?"
Nakita ko ang bottled water na tinutukoy niya sa ilalim ng extrang shirt niya. I was about to zip his bag when I suddenly saw a dimmed light. And of course, I checked what it is out of curiosity. I figured out that it's his phone revealing the view of his lockscreen.
Matulin kong isinara ang bag niya nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. I was right, dahil pagkaharap ko, malapit na siya sa 'kin. Inilahad niya ang kamay niya bago tumaas ang kaniyang kilay. "Water?"
"A-Ah...here." ibinaba ko sa sahig ang aking paningin.
Sino naman ang babaeng 'yon? Iba 'yon sa mga babaeng nakita kong kasama niya.
Yung wallpaper niya kasi ay isang babaeng naka-upo sa sahig at may hawak na tuta habang naka-wacky face. Sa likod ng babaeng 'yon ay mga taong mukhang nagkakagulo dahil sa isang shooting?
"I'll be right back." Sabi niya matapos uminom ng tubig. "I'll keep an eye on you, don't you dare open my bag, unless I told you to do so." He added before giving back his water to me.
Hindi na 'ko sumagot dahil alam kong nagmamadali din siya. Malay ko ba kasing modelo pala siya? Kanina ko nga lang nalaman na 22 na pala siya. At ang narinig ko pa kanina ay diploma na lang ang hinihintay niya. Ang sabi pa'y sa isang buwan na ang graduation niya. Well, lahat ng impormasiyong 'yon ay narinig ko lang galing sa iba pang mga modelong babaeng nasa CR kanina.
Well now, his hair is damp for this photoshoot. He's only wearing a white v-neck shirt and a dark blue ripped jeans. Seeing his feet bare makes him look so sexy.
Bumalik siya sa gitna kung saan nakatutok ang mga nakakasilaw na ilaw at naglalaking mga camera. May sinabi sa kaniya ang isang babaeng nasa mid-40s and I think siya ang head ng pictorial na ito. Hindi ko naman iyon naintindihan dahil sa layo ng distansya ko sa kanila. "W-Wait..." napalunok ako ng mariin ng hubarin niya ang suot niyang manipis na shirt.
I started from the bottom and see a peek of his V-line. His finely sculptured abs are showing. Damn that chiseled chest and broad shoulders. And when my eyes reached his head, his jaw suddenly clenched. That gesture only made him look hot.
Oh my God, do I really have this malicious thoughts?!
I shook my head to stop praising him in my head. Napabaling ang tingin niya sa 'kin at mukhang nasisiyahan lang siya ng dahil sa reaksiyon ko.
"That's great, Timothy! Try to look more sexy!" sigaw no'ng head. Tuloy pa rin ang sunud-sunod na flash ng camera.
"Jesus! Hindi pa ba sexy 'yang lagay na 'yan?" I asked to myself.
Biglang sumilay sa labi ni Timothy ang isang malagkit na ngisi. Hala. Hala, posible kayang narinig niya yung sinabi ko?! Hindi pwede!
Nang matapos ang photoshoot, heto at isinama niya pa ako sa loob ng puting kwarto habang nagbibihis siya. Ako naman ay inuubos ang burger na para sana sa kaniya ngunit tinanggihan niya. Instead of disposing it, he gave it to me. Sa lahat ng ginawa niya, masasabi kong 'yon lang nagustuhan ko. Kanina pa kasi ako nagugutom. For my stomach's sake, it's almost 8 PM. Paano ba namang hindi dadaing ang tiyan ko dahil sa gutom? At dahil hindi dapat tinatanggihan ang grasya, I gladly accepted the food. May kasama pa ngang isang can ng softdrinks na hindi na masiyadong malamig.
BINABASA MO ANG
Once
RomanceSecond generation. "How does it feel to be rejected?" Painful? You can't imagine how painful it could be. All Rights Reserved 2016 Credits sa gumawa ng book cover @btswifegfx and her graphic shop (https://www.wattpad.com/story/77665530-g-craps-empor...