4 : Hair Clip

63 7 1
                                    

Yeri

Sunud-sunod ang pagbato ko ng unan sa pader. "Kainis!" Nagtalukbong ako ng kumot, kinagat ko ang natitira kong unan at saka tumili!

"Ate naman!" sigaw ng kapatid ko. Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot mula sa 'kin at nakita ko siyang nakapasok na pala sa loob ng kwarto ko. "Anong...problema mo?" tanong niya matapos ang buntong hininga.

"Labas." I raised an eyebrow.

"Ayoko nga." he crossed his arms.

I glared at him. "Talaga?" Tumango lang ito nang mapang-asar. So I have no choice but to stand up and push him out of my room.

"Ahhhh! Mama si Ate, oh!" sumbong nito na parang bata habang nakanguso.

"Magtigil nga kayong dalawa!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba.

"Ayan, ikaw kasi." paninisi pa nito sa 'kin.

"Aba't!" inakmaan ko siya ng suntok pero hinarang lang niya ang kamay niya. "Papalag ka?"

"Kiss mo na lang ako, Ate." ngumisi ito at saka ngumuso at akmang yayakapin ako.

"Yuck, kadiri!" pilit ko siyang tinulak palayo sa mukha ko.

"Bumangon ka na kasi!" Lumayo na siya sa 'kin pero sumalampak naman siya sa kama ko.

"Wala akong pasok." matigas kong sabi.

"Utuin mo lelang mo. May kopya kaya
ako ng schedule mo." he sticks his tongue out.

Bakit kaya saksakan ang taas ng level ng energy ng kumag na 'to? Hay nako.

He is Mist Justin Cruz. Ang kapatid kong walang kupas kung umasta na mas matanda sa 'kin.

"Wala yung prof namin." simpleng sagot ko. Totoo naman 'yon.

Tinitigan niya ako sandali para siguro timbangin kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

"Eh di pumasok ka na lang sa trabaho."

Lord naman. Bakit ang kulit niya?

"Oo na. Get lost." sabi ko bago bumangon at italukbong sa kaniya ang kumot.

Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago ako makapasok ng banyo.

Abnormal na kapatid. Bwisit.

Pagkarating ko sa coffee shop, agad akong nagpalit ng uniform namin para hindi madumihan yung damit ko dahil kailangan ko pang pumunta sa school. Pero natigilan agad ako ng makita ang isang pamilyar na imahe sa gilid ng aking paningin. Tinapunan ko siya ng tingin at kumunot ang noo ko ng marealize na si Timothy ang taong 'yon.

Anong ginagawa niyan dito? Hindi naman sa hindi siya allowed pumunta dito, pero of all coffee shops bakit dito pa?

"Yeri," natigilan ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Ate Aubrey. "Take his order." sabay turo niya sa gawi ni Timothy.

Kumibot ang labi ko sa hindi malamang dahilan. Pero mas okay na siya na lang kaysa kay Clyde di ba? Because I swear that I can't still imagine how I will have the guts to face him.

Hindi na ako tumango, basta na lang akong lumapit sa table ni Timothy. "Can I have your order, Sir?" I asked politely.

Tumaas ang kilay nito at ngumuso. Mahina itong nagmura na agad na nakapagpapula ng pisngi ko.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon