Yeri
First day na naman ng bagong chapter ng buhay ko. Ito na, college na ako. Alam kong dito na mag-uumpisa ang talagang mahirap na bahagi ng pag-aaral ko magmula pa no'ng bata ako. At sana lang, walang mangyaring kamalasan sa 'kin dito.
Isa pa, ayaw kong mapahiya sa harap ng crush ko. Sa totoo nga lang, kaya ko pinilit si Mama na dito na ako ipasok ay dahil sa kaniya.
Hindi kami mayaman gaya ng iba, pero kaya din namang ibigay nila Papa ang ilang luho namin sa katawan.
Higit pa sa limang unibersidad ang pinagkuhanan ko ng entrance exam. At apat sa mga ito ay naipasa ko, kabilang na nga rito ang papasukan ko magmula ngayon. Ang Eastern University.
Maaga akong naghanda para sa araw na 'to. Halos lahat ng susuotin ko ay sinigurado ni Mama na bago. Gusto ko pa ngang matawa dahil pinipilit pa niya akong magpahatid sa kaniya. Pero dahil nariyan si Papa na handang i-rescue ako, pinagsabihan niya si Mama na dalaga na raw ako.
"Yeri," iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang tumawag sa 'kin. Halos mamula ang buong mukha ko ng makitang si Clyde Yñarez ang may-ari ng boses na 'yon.
"Uhh--bakit?" Ganun na lang ang pagpipigil ko sa sariling ngumiti.
Shet. Umayos ka, Yeri. Kadiri ka, sinusumpa kita. Ang pabebe mo. Leche!
"Anong bakit?" he asked.
"Anong...I mean, bakit alam mo yung pangalan ko?"
Ayan na, malapit na akong mag-assume!
"May name tag yung bag mo, eh. So, ikaw nga yung Yeri?" he shrugged.
Gusto ko nang pagalitan ang sarili ko. Nanlulumo na ako ngayon pa lang. Asar. Sinong tanga kasi ang aasa agad? Mukhang ako lang.
"Ah," I faked a laugh. "Bakit nga pala tinawag mo ako?"
Mayroon pa ring kahit na katiting na hope na natitira sa 'kin sa kabila ng kahihiyang natanggap ng ego ko. Kahit nagandahan na lang siya sa 'kin. O kahit man lang gusto niya lang ako makilala at maging kaibigan.
"Nakaharang yung bag mo sa daan." alangan siyang ngumiti. Halatang ayaw naman niya akong ipahiya pero tanggap kong wala naman kasi siyang mapipili pang ibang words para hindi maging lubos na lubos ang pagkapahiya ko. Pero kahit ano nga naman ang gawin o sabihin niya, talagang mapapahiya pa rin ako sa huli.
Nanginginig ang kamay kong inalis ang bag ko sa daan. Kung bakit kasi pwede namang sa lamesa ko na lang ilagay ang bag ko, sukat sa daanan ko pa naiwan.
Maaga kasi akong nakarating dito. Mag-isa lang ako kaya wala man lang akong pakialam sa gamit ko. Burara kung burara. Wala akong pakialam kung madumi na agad ang bago kong bag.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi sa sobrang excitement. Aware kasi akong kaklase ko si Clyde. It just happened na pareho pala kami ng kinuhang kurso. Oo, si Clyde ang crush ko. Isa ako sa mga silent die hard fan ng gwapong nilalang na 'yon.
Kahit labag sa loob ko, pilit ang ngiting kinuha ko ang bag ko at ipinatong sa hita ko. Tapos wala lang, basta na lang niya akong nilagpasan at umupo malayo sa pwesto ko. Unang araw pa lang pero palpak na agad ako. Napansin niya nga ako, pero paniguradong turn off na 'yon sa 'kin.
"Yeri, are you fine?" Kahit hindi ko kailangan ng mag-cocomfort, binigyan pa rin pala ako ni Lord ng isa. "I'm Zettina Scott." she even offered her hand to me.
BINABASA MO ANG
Once
RomanceSecond generation. "How does it feel to be rejected?" Painful? You can't imagine how painful it could be. All Rights Reserved 2016 Credits sa gumawa ng book cover @btswifegfx and her graphic shop (https://www.wattpad.com/story/77665530-g-craps-empor...