3 : Unexpected Confession

77 8 5
                                    

Yeri

Kailangan ko nang makapaghanap ng trabaho. Yung pwedeng pang-gabi lang. Hindi kasi ako pwede ng morning shift dahil may klase ako mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Nagpaalam na ako kila Mama tungkol sa bagay na ito. Kailangan ko kasing makaipon ng extrang pera. Hindi ko naman kasi pwedeng iasa lagi sa kanila ni Papa ang mga gastusin ko sa school. Isa pa, highschool na ang kapatid ko at lumalaki na rin ang gastusin niya dahil sa mga project nila sa school. Idagdag mo pa yung pangbayad sa kuryente at tubig.

Yung bahay naman, ipinamana pa yun ng lolo at lola kay Mama. Si Papa? Kakatanggal lang sa kaniya sa trabaho dahil sa hindi ko alam na dahilan. Tingin nga namin ay masiyado itong biglaan. Lalo pa ngayon na college na ako. Mukhang pagkakasiyahin muna namin ang natitira sa savings ni Papa. 

Papa felt sorry towards us. Pinili ko na rin na wag nang mangulit sa pagtatanong tungkol sa pagkatanggal niya sa trabaho. Alam ko naman kasi na sasabihin naman niya yun sa 'min agad ng kapatid ko kung gusto niyang ikwento kung ano ang mga nangyari.

"Yeri, samahan ka na kaya namin?" nag-aalalang tanong ni Zette. Until now, I can't still get used to her accent.

"Gabi na, oh. I can give you a ride." dagdag naman ni Irish. Anak mayaman kasi kaya may sarili nang kotse. Although, wala pa naman talaga siyang driver's license.

Pabiro ko silang inirapan. "Go home. Kaya ko na ang sarili ko. At saka may quiz pa tayo bukas, di ba? Mag-aral kayo." I managed to force a laugh. But it came out to be an awkward one.

"Kaya mo ba talaga?" naka-pout na tanong ni Zette.

"Oo naman, 'no? Ako pa." I proudly answered.

They both sighed heavily. I convinced them and eventually, they hesitantly left.

~*~

"Nako, Ma'am. Thank you po. Pagbubutihin ko po ang trabaho."

Hindi pa man ako nagsisimula sa trabaho, thankful na agad ako sa taong nasa harap ko ngayon. Siya yung may-ari ng coffee shop na 'to.

Yes, it is a coffee shop. And I am hired as a server. Let's call it that way. Hindi naman daw kasi waitress sabi ng boss ko. Her name is Yasumi Park. She's really nice. She even asked me to give her a copy of my schedule. Para daw alam niya kung anong oras lang ako possible na makapag-umpisa sa shift ko.

"You can start tomorrow." she smiled. "Actually, you don't have to bring extra clothes. Everything is provided for the staffs. We'll reserve a space sa locker room para sa mga gamit mo. Dito ka na dederetso after ng class mo, di ba?"

I nodded. "Thank you po."

"Sige na. Umuwi ka na. Baka hinihintay ka na sa inyo. Kailangan ko na rin kasing umuwi." she stood up so I did too. "Hinihintay na ako ng asawa ko." she whispered and winked to me that I didn't expect that she would do.

Mukhang teen ager din kumilos si Ma'am.

I chuckled because of the thought.

Gaya ng sinabi niya, nagsimula ako sa trabaho ko kinabukasan. Hindi naman ako na-pressure dahil mukhang mababait naman lahat ng kasama ko sa trabaho. Karamihan sa kanila ay pareho ko na nag-aaral din. Kaya hindi na ako nahirapan na makisama at makipagkaibigan sa kanila kahit na first day ko pa lang naman.

"Bagay sa 'yo 'yang uniform mo." Zetted teased.

Napatingin ako sa suot ko. "Talaga ba?" I smiled.

Hindi ko inaasahan na tatambay pa muna sila dito saglit para magkape para lang mabisita ako.

"Nako, Yeri." Irish hissed. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magkakasakit dahil dito."

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon