9: Charismatic

17 1 0
                                    


Yeri

"Saan ka nagpunta kagabi?"

"Ano?"

"Wala ka sa kwarto mo pagka-uwi ko."

"Pumasok ka sa kwarto ko ng walang paalam?" kumunot ang noo ni Mist, dahilan naman para umarko ang kilay ko.

"Wala ka nga sa kwarto mo," pinagkrus ko ang mga braso ko. "kanino ako magpapaalam? Sa hangin?"

"Try mo, baka naman pwede." sarcastic niyang sagot. "Aga-aga mong manermon. Magsuklay ka kaya muna?" pagkasabi nito ay lalagpasan na sana niya ako para siguro bumaba sa kusina at mag-almusal ngunit bago pa man siya tuluyang makalagpas ay hinawakan kong muli ang braso niya.

"Saan ka nga nagpunta?" pangungulit ko pa rin na nagpasimangot na ng husto sa kaniya.

"Ate," hinawi niya ang kamay ko. "kailan ka pa nagkaroon ng interes sa mga lakad ko?"

Wala naman talaga akong pakialam kung hindi mo lang kasama si Clyde, the love of my life.

"Wala na ba akong karapatan?" nangangapa kong tanong. "Porke't di mo nakasanayan hindi mo na rin sasagutin?"

He scratched his head habang nakatikom ang mga labi. "Gusto mo bang isumbong kita kay mama?" bigla ay napalitan ng mapang-asar na ngisi ang iritado niyang expression.

Kumunot ang noo ko. "Anong isusumbong? Wala akong nagawang kasalanan."

"Sabagay," ngumiti siya. Pero yung nakakaloko. "hindi naman nga pala masamang mag-boyfriend."

"Anong boyfriend?" singhal ko ngunit pabulong.

Siraulong Mist. Paano kung biglang umakyat si mama at marinig ang walang basehan niyang mga bintang.

"Boyfriend," pag-uulit niya pa habang pinupukol ako ng nanunuksong tingin. "yung ano..." umarte pa siyang nang-aakit na ngumuso habang nakapikit na para bang manghahalik.

Agad ko siyang binatukan ng malakas. Sa sobrang lakas ng impact ay napayuko siya.

"Siraulo ka." gigil kong sabi sa kaniya.

"Isusumbong talaga kita." Parang batang iiyak na reklamo niya.

"Saan mo napupulot 'yang sinasabi mo?" pagalit kunwari na tanong ko. "Kahit ebidensya wala kang mapapakita kila mama."

Aba, confident ako dahil wala naman akong boyfriend 'no.

"Kalat na kaya sa social media yung pictures mo kasama yung modelong nasa magazine na binili ni mama nung nakaraang linggo."

"Model? Nahihibang ka na ba? Kahit katiting na chance ay hindi ako kailanman magkakaroon ng kahit kaibigan man lang na mode....lo." natigilan ako bandang huli ng bigla ay may taong pumasok sa isip ko.

P'wera na lang kung ang tinutukoy niyang modelo ay si Timothy.

"Anong nangyari sayo?" nawiwirduhang tanong ng kapatid ko. "Ano? Totoo 'no?" nanunukso niyang tinusok ang tagiliran ko. Kahit kaunti ay hindi man lang ako natinag sa pagkakatindig ko.

"Pictures lang?" 'Yon na lang ang tangi kong naitanong.

"May video din."

"Video?" napasinghap ako at napatakip ng bibig.

"Oo. 'Yong hawak niya yung kamay mo habang hinihila ka niya paalis sa school niyo." paliwanag naman niya. "O school mo lang?" tanong pa niya.

"Schoolmate namin siya." simpleng sagot ko.

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon