10: Tutor

29 0 0
                                    

Yeri

Hinilot ko ang sintido ko habang nagkakabisado ng formulas para sa midterm exams namin bukas. Napakamalas kasi at dalawang subject na departmentalized ang kailangan naming i-survive para bukas.

"Isa pong wintermelon milktea tapos blueberry cheesecake para sa kasama ko."

"Anything to add up, Sir?" nakangiti kong tanong sa lalaking nag-oorder para sa girlfriend niiya yata.

"Wala na po." Sagot naman nito habang nagbubukas ng wallet.

Ang dami kong aaralin pero eto at hindi pa tapos ang shift ko. I swear na sa lahat ng ginagawa ko ay sinasabay ko ang pagkakabisado man lang ng formulas man lang para mamaya pagkauwi ay magpapractice na lang akong mag-solve.

"Okay ka lang?" tanong ni Clyde sa'kin nang makitang napapatulala na naman ako.

Kanina pa rin kasi napapansin ng workmates namin na natutulala ako. Hindi ko lang pinapakita sa kanila na nag-aaral ako. Kung hindi ay baka pauwiin na ako ni Ma'am Yasumi. Sayang naman yung kikitain ko para sa araw na 'to kung mangyayari yun.

"Uhm, may itatanong ako sayo." nahihiya kong sagot. Kumunot ang noo niya kaya naman hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagpatuloy na lang. "Naaalala mo pa ba kung ano yung formula para sa nth term ng geometric progression?"

"Hindi ka pa ba nakakapag-review?" tanong tuloy ni Clyde habang nagp-prepare ng orders.

"Nag-review na. Sinubukan ko lang i-recall yung formulas tapos ayun, nakalimutan ko." Peke pa akong tumawa.

Napakasinungaliing mo, Yeri.

"Akala ko kasi hindi pa. Maaga ang pasok natiin bukas. Kung pag-uwi ka pa lang magsisimulang mag-aral, baka magka-problema ka sa magiging result ng exam mo." Inabot niya sa'kin ang ready to serve nang sandwiches at fries. "First term times common ratio raised to n minus 1.' pagsagot niya naman sa tanong ko bago kumindat at muling pumasok sa kitchen.

Napa-pout ako agad pagkatalikod kay Clyde at bumuntong hininga bago i-serve sa customer yung iniabot niya. "Enjoy, Ma'am."

"Hey." Boses pa lang ay alam na alam ko na agad kung sinong may-ari ng boses na 'yon.

Napairap ako agad bago pa man lumingon sa table sa likuran ko kung saan nakaupo si Timothy. "Yes, Sir?" sarcastic kong tanong habang pilit na pilit ang ngiti.

"Finish up." He plainly said as he tapped his wristwatch twice like he's reminding me of the time. Pagkatapos no'n ay basta na lang siyang tumayo at lumabas ng shop.

Ano na namang problema no'n sa'kin? Or should I say, anong kailangan niya sa'kin this time?

Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako sumusunod sa mga gusto niyang mangyari. Siguro ang dahilan ay ang pagiging anak niya ng boss ko.

I took out my phone form my pocket and it's already 6:54. Shocks. Kailangan ko pang magreview!

Nagmamadali akong nagpalit ng damit at kinuha ang bag ko. Naabutan ko pang naghuhugas ng pinggan si Clyde sa kitchen.

"Oh. Bakit mukhang nagmamadali ka?" tanong nito habang patuloy sa ginagawa.

"Explain ko next time. Bye!" nagmamadali ko namang sagot saka lumabas ng shop.

Nawala na sa isip ko si Timothy sa sobrang pagmamadali kung hindi lang siya nakatambay sa labas ng pinto.

"Sorry. Wag muna ngayon, please. Nagmamadali na talaga ako." Paulit-ulit nang nag-eecho sa tenga ko yung sinabi kanina ni Clyde. At this rate baka nga talagang bumagsak ako. Kahit ba midterms pa lang. Imagine 25% pa rin ng grades ko ang nakadepende sa exams na 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon