Yeri
Anong problema ng isang 'yon? Bakit niya ako binigyan ng clip? At talagang pareho pa sila ng binigay ni Clyde the love of my life.
Padabog kong ibinagsak ang katawan ko sa kama habang nananatili pa ring tutok ang paningin sa hair clip na binigay ng Park na 'yon. 'Yong bigay ni Clyde ay maingat ko nang itinago sa drawer ko. Ayaw ko kasing magkapalit ang bigay niya sa binigay ni Timothy.
Maaga akong pumasok para ituloy yung assignments kong hindi ko natapos sagutan kagabi dahil bigla na lang akong nakatulog ng hindi ko namamalayan. Habang bitbit ang mga libro ko sa aking braso ay nahagip ng paningin ko si Timothy na mukhang papunta rin si library. Galing sila mula sa kabilang side ng library. Yes, sila. Palagi na lang tuwing makikita ko siya ay may panibago na naman siyang babaeng kasama.
Mukha namang hindi niya napansin ang presensiya ko dahil tuloy lang silang dalawa sa paglakad habang masayang nag-uusap. At 'yong babae ay nakakawit pa ang kamay sa braso ni Timothy. And he seemed to be enjoying it too much, huh? Dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganoon kaganda.
Those lips...
Shit. Ano ba 'tong naiisip ko?!
I shook my head at saka nagpatuloy sa paglakad papunta din sa library. Maingat ko pang inilibot ang paningin ko. Dahil hangga't maaari, ayaw kong makita pa ulit ang dalawang 'yon. Lalong-lalo na ang Park na 'yon! Dahil wala namang magandang salita ang lumalabas sa bibig niya. Basta! Nakakainis ang presensiya niya.
Pinili kong umupo sa pinakamadilim at sulok na bahagi ng kwarto. Tahimik kong ibinaba ang mga libro at bag ko habang tinatakpan ng buhok ang mukha ko para walang makakilala sa aking kahit sino. Tanging gusto ko lang ay matapos ang mga assignments ko nang walang istorbo.
"Yerina! Oh my God, you're here!" tuwang-tuwang bulalas ni Irish. Samantalang ako naman ay nanglalaki na ang mga mata para iparating sa kaniyang dapat na siyang manahimik.
Sinaway siya ng librarian na manihimik dahil mukhang naistorbo ang mga studyanteng nagbabasa. Mariin niya namang itinikom ang kaniyang labi. "Sorry. Hehe." aniya.
Sa gilid ng paningin ko ay kitang-kita ko ang mabibigat na titig ni Timothy mula sa table nila ng kasama niya.
Now, he knew that I'm here too. Bwisit.
Malayo ang distansya sa pagitan ng lamesa namin pero kita pa rin namin ang isa't isa dahil iilan pa lang ang tao sa loob ng library ngayon kaya bakante pa ang mga upuan sa gitna na kung punuan lang sana ay hindi ko na masisilayan pa ang nakakabwisit na pagmumukha ng Timothy na 'yon.
Matapang akong humarap sa gawi nila at halos bumagsak ang panga ko ng hindi man lang siya natinag at mas lalo lang bumigat ang mga titig niya sa 'kin. Dahan-dahang kumunot ang noo niya ng inis akong umirap at muling bumaling kay Irish.
"Saan si Zette? Ba't di mo kasama?"
"Parang laging may morning sickness. 'Wag ka nang magtaka." nakangising sagot lang ni Irish. "Eh ikaw?"
"Anong ako?" natatanga ko pang itinuro ang sarili.
"Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"
"'Di ko kasi natapos yung assignments ko." Binalik ko na ang atensiyon ko sa pagsusulat saka nagkibit-balikat.
"Gusto mong kumopya na lang?" Pupusta akong ngising-aso na ngayon si Irish.
"No." tipid kong sagot.
"She's too hardworking. Don't expect na tatanggapin niya ang offer mo." tatawa-tawang singit ni Clyde na agad namang nakapagpaangat ng tingin ko.
"Asuuuuus! Basta pag si Clyde buong atensiyon mo talaga ang nakukuha eh, 'no? Anytime, anyw--ARAY!" agad na siyang nahinto ng dahil sa pagkurot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Once
RomanceSecond generation. "How does it feel to be rejected?" Painful? You can't imagine how painful it could be. All Rights Reserved 2016 Credits sa gumawa ng book cover @btswifegfx and her graphic shop (https://www.wattpad.com/story/77665530-g-craps-empor...