Chapter 1

113 0 2
                                    

10 years ago...

"Dad! Alam ko na kung pano ika-counter ang mga attacks mo!"

Isang ngisi ang ibinigay niya sa kaniyang anak at ginulo ang buhok nito.

"Talaga lang ha? Parang ilang beses mo na yan sinabi sakin nuon pero hindi mo padin nagagawa."

Sumimangot ang mukha ng bata at malakas na ipinadyak ang paa niya sa lapag. Natawa naman ang kanilang ama dahil sa inaakto ng kaniyang anak.

"Leo, halika dito may sasabihin ako."

Tiningnan ni Leo ang ama niya bago puntahan ang kaniyang kambal na si Neo. May ibinulong ito sa kaniya na nagpalaki ng kaniyang mata at nakapagpataka sa kanilang ama.

"S-s-s-Sigurado ka ba dyan?!"

Kinakabahan na sigaw ni leo habang nakaduro sa kaniyang kakambal. Malakas naman na napabuntong hininga si neo at inayos ang salamin niya.

"Oo nga. Kahapon ko pa to pinag-iisipan. Hindi mo ba napansin na hinahayaan lang kita na kalabanin mag isa si papa?"

Napaisip naman bigla si leo at naaalala niya na laging nasa isang tabi lang ang kambal niya at nanunuod sa kanilang dalawa ng kaniyang ama habang naglalaban.

"Sige. Susubukan ko ang sinabi mo."

Nag fist to fist ang dalawa bago patakbong bumalik si leo sa harapan ng kaniyang ama.

"Ano ang pinagusapan niyo ni neo?"

"Sikreto na namin yun dad. Simulan na natin to! At seryosong matatalo nadin kita!"

**

"Pfft. Mukha kang panda!"

"Aish. Wag mo na ngang pansinin yan! Tch."

Inalis niya ang tingin niya sa asawa niya na si rian at tiningnan ang kambal na tumatawa parin hanggang ngayon.

"Hoy kayong dalawa! Ano ba talaga ang pinag-usapan niyo? Ha?!"

"Sinabi ko lang kay leo ang bawat pattern ng pag atake mo, dad. At siyempre nag isip ako ng pattern kung saan magagawa kang pigilan at atakihin."

Nagulat si dylan sa narinig niya at biglang napaisip. Nagkatinginan naman ang kambal dahil sa biglaang pagseseryoso ng kanilang ama

"Dad, anong problema--"

Naputol ang kaniyang itatanong nung tumawa ng malakas si dylan. Tiningnan ng kambal ang kanilang ina at nagtatanong kung ano ang nangyayari pero umiling lang si rian.

"Hindi ko aakalaing magiging katulad kayo ni lolo at ng kaniyang kaibigan."

"Lolo? Sinong lolo, dad?"

Kinuha ni dylan ang kaniyang wallet sa ibulsa at may inilabas na litrato.

"Eto ang aking ama, at ang matandang katabi niya ang kaniyang ama, ang lolo ko. At yung nakaakbay naman sa kaniya ay ang kaibigan niya. Kilala sila bilang golden duo."

"Golden.. Duo?" Sabay na tanong ng kambal

"Oo. Walang nakakatalo sa dalawang yan pagdating sa teamwork. Dahil ang kaibigan ni lolo ay isang tactician at siyempre every tacticians need a striker. At yun ang naging role ni lolo."

Pinatong ni dylan ang kamay niya sa ulo ng kambal at ngumiti dahil naaalala niya ang mga kwento ng kanyang ama nuon at kinwento niya din iyon sa mga anak niya.

Winning the Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon