-Neo-
Nagising ako dahil sa isang ingay na hindi ko alam kung ano. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si leo na sinusuntok ang pader.
Sinusuntok ni leo ang pader. May tumutulong dugo sa kamay niya.... Shit!
"Leo!!"
Tumayo ako at tumakbo palapit sa kaniya para pigilan siya sa pagsuntok niya uli sa pader.
"Bitawan mo ako! Hindi pa ako tapos sa kanila!!"
Sabi na nga ba. Nag hahallucinate nanaman siya. Nangyari narin to dati pero iba ang ginawa niya, nasa gubat kame nun at pagkagising ko ay karamihan sa mga puno ay putol. Siguro iniisip niya na yun yung mga pumatay sa kasamahan namin kaya pinagpupuputol niya ito.
"Bitawan mo sabi ako!! Papatayin ko silang lahat!!"
"Leo, hindi sila yan!!"
Hindi ko alam kung anong pigil pa ang gagawin ko dahil pagdating sa lakas, angat si leo. Kaya wala na akong nagawa kundi patulugin siya.
"Hay. Iba ka talaga, tapos pagkagising mo hindi mo man lang maaalala ang ginawa mo. Magtataka ka lang kung bat ka may sugat."
Binuhat ko siya at hiniga sa kama. Kinuha ko yung first aid kit sa banyo at ginamot ang sugat niya.
Matapos kong gamutin ay nagresearch nalang ako tungkol sa dalawang babae na hinahabol ngayon ng ibang teams.
Phoebe and Racquel. Age 17, same age as ours. Lahat ng ibang informations tungkol sa kanila ay restricted. Psh, there is no restricted files once i want to know them.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si dad nasagot niya naman kaagad.
[Oh, bakit?]
"Dad, kaya mo bang ihack ang informations tungkol sa mga players na pinadala ng government?"
[Ano nanaman ang binabalak mo, neo?]
Palagi nalang ba ako may binabalak kapag humihingi ako ng tulong sa kaniya?
"May gusto lang kame tulungan. Wala akong binabalak."
[Fine. Fine, sino ba yan?]
"Raquel Alexandra Del Pillar and Phoebe Leigh Orpilla"
[Del pillar? She has the same surname as astrid.. Yeah, you're right.]
Kasama pala ni dad si tito lemuel. As for that astrid girl they are talking about, hindi ko siya kilala. Wala narin ako balak kilalanin dahil kung hindi kinwento samin yan nila dad, ibig sabihin may hindi magandang nangyari sa pagitan nila.
Nagawa naring mahanap ni dad ang information sa dalawa kaya naman sinulat ko ito para masabi kay leo mamaya.
[By the way, where is your brother? Nakakapagtaka at ang tahimik.]
Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi ni dad, tama naman kasi siya. Normally tuwing magkausap kame ni dad lagi nalang sumisingit si leo at pinagmamalaki ang ginagawa namin dito.
"He's asleep. Nangyari nanaman ang nangyari nung nakaraan."
Dad already knows what I meant kaya hindi na siya nagtanong. May mga binilin nalang siya na kung ano ano at nagpaalam na. Sakto din na gumising na si leo.
"Goodafternoon. Coffee?"
Umiling siya habang nakahawak sa ulo niya. Lumapit ako at inabutan nalang siya ng tubig.
BINABASA MO ANG
Winning the Game of Life
ActionBe strong enough to survive And be strong enough to handle what lies ahead. Because in this game.. No mercy shall be shown.