Chapter 9

44 0 0
                                    

-Leo-

"That is why i'm going home to check whether you are really okay or not! Rina is also acting weird. She refused to tell me what happened. So how am i going to believe that nothing really happened?"

And there he goes. Nagsesermon nanaman siya. Minsan nakakalimutan niya ata na anak siya at nanay niya yung kausap niya eh.

Busy kame nila Phoebe sa pag iihaw ng nahuli kong isda. Ito namang si Neo kanina pa kausap si Mom at Rina. Hindi niya daw macontact si Dad kaya lalo siyang nag-aalala.

"Leo, yung phone mo nagriring." Sabi ni Phoebe

Eh? Tiningnan ko kaagad yung phone ko at oo nga. Tumatawag sakin si Rina.

"Hello? Bakit?"

[Kuya~ Ano bang sinasabi ni Kuya Neo kay Mom? Nakakatakot na kasi ang itsura ni Mom eh. Patigilin mo na si Kuya Neo please.]

Oh diba. Alam niya din, kapag kasi ganitong may mabigat na problema iniiwasan nilang malaman ni Neo. Bakit? Kasi mangyayari ang nangyayari ngayon, hindi sila titigilan ni Neo hangga't hindi nila sinasabi ang totoo. Galit ka na at lahat, wala lang sa kaniya. Hindi siya matatakot, except nalang kung si Dad na talaga ang nainis. Para kasing si Neo ang tatay namin minsan dahil madalas niya talaga pagalitan si Mom at Dad.

"I can't really do that. Nakontak mo na ba si Dad?"

[Hindi pa. I called Kuya Rogue kaso sabi niya kanina pa wala sa association si Dad. I tried calling Tito Lemuel but out of reach, so im thinking na baka nandun si Dad.]

well wala nga naman ibang mapupuntahan si Dad kundi kina Tito Lemuel, kahit na madalas magsagutan yung dalawang yun at madalas walang pakielam si Tito Lemuel sa lahat, lagi siyang nandyan kapag nagkakaproblema. Humanda ka nga lang sa masasakit na salita na maririnig mo mula sa kaniya.

"Well im sure Tita Janica will knock some sense into Dad. I won't force you to tell me what happened, but stay by Mom's side, okay? Im sure she'll be crying the whole night. We'll try to go home tomorrow, or Neo will."

[Okay, Kuya. I hope both of you can come home. I really miss you na and Mom and Dad really needs us.]

I bid my goodbye and ended the call. Hinanap ko naman si Neo kaso wala na siya sa paligid.

"Nasan si Neo?" Tanong ko sa dalawa.

Nagkatinginan naman sila at sabay na nagkibit balikat. Saan nanaman ba nagpunta yun?

"Stay here. Hahanapin ko lang si Neo."

Hindi ko na sila hinintay sumagot at umalis na ako agad. Who knows kung ano ginagawa nun. Kung nagalit siya, baka may mapagtripan nanaman to na kapwa player at may babayaran nanaman kame sa ospital.

-Raquel-

"Really, ano kayang meron sa family nila at lagi nalang may problema?"

Nagkibit balikat sakin si Phoebe at patuloy na kumain. Napairap naman ako ng dioras.

"What if they go home again?"

Winning the Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon