-Neo-
Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang pagbugbog sa dalawang lalaki na yun. Binigyan ko ng isang makahulugang tingin si neo at buti naman nakuha niya kaagad.
Mabilis siyang umakyat sa isang puno at nagtago. Ako naman sinuot ko uli yung cloak ko at naglakad papunta dun habang nagku kunwaring walang nakikita. Nakatingin lang ako sa baba pero ramdam ko ang pagtingin nila saakin.
"Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko alam at wala akong pakielam kung sino ang nagtanong dahil mawawala rin naman sila sa mundong ito.
Inangat ko ang tingin ko at siyempre umacting ako na parang nagulat sa presensya nila. Lumingon lingon pa ako sa paligid.
"T-Teka, asan ako?" Tanong ko sa dalawa pero sinamaan lang nila ako ng tingin.
Huh! Akala niyo naman matatakot ako sa tingin niyo na yan? Walang wala yan sa tingin ni tito lemuel kaya hindi niyo ako matatakot!
Sa loob, pero sa labas nagkunwari akong natakot. Tiningnan ko yung dalawang babae saglit at binalik din ang tingin sa dalawang nasa harapan ko.
"Umalis ka na bata." Sabi sakin nung isa na may malaking marka ng sugat sa mata niya.
"Eh? Hindi ko nga alam kung nasan ako eh. Tsaka bakit sugatan ang dalawang babae na yun?" Tanong ko habang nakaturo sa dalawa.
Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki na to tapos ay tinulak ako ng malakas nung may marka sa mata kaya napahiga ako sa sahig. That wasn't a show anymore. Talagang malakas ang pagkakatulak niya
"Umalis ka na at kalimutan mo nalang ang nakita mo."
"K-Kuya, wag! Pakiusap tulungan mo kame—Kyah!"
Hinila nung isa ang buhok nung babaeng nakasalamin, which is raquel. Bahagya akong yumuko para kalmahin ang sarili ko.
"Leo, it's okay. You can do whatever you want now."Rinig kong sabi ni neo sa transmitter.
Isang ngiti ang kumawala sa labi ko at hindi ko rin napigilan ang natawa na ako.
"Really, bro. I thought it would take ages before you finish what you we're doing."
Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko tapos nakangiting tiningnan ang dalawang lalaki na nasa harapan ko. Parehong nakakunot ang noo nila sakin pati narin ang dalawang babae.
"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Kung aalis kayo ngayon din sa harapan ko at hindi na kailan pa man guguluhin ang dalawang yun, bubuhayin ko kayo."
"Kame? Papatayin mo? Wag mo kameng patawanin bata. Sa itsura mo palang isang suntok palang namin sayo ay tumba ka na." Sabi nung isa at tumawa silang dalawa.
Hindi ako nainis sa sinabi at sa pagtawa nila. Nainis ako dahil sa kambal ko na tumatawa dahil sa sinabi ng dalawang ulupong na to!
Humanda talaga tong si neo sakin mamaya.
"Tatawa nalang ba kayo dyan at hindi aalis?
Natigil sa pagtawa ang dalawa at tiningnan ako ng masama.
"Gusto niyo talagang mamatay na?"
"Manahimik ka. Baka gusto mong ikaw ang mamatay."
Taas noo akong ngumisi sa kanila dahil alam kong mas maiinis sila dun.
"Go ahead. Pero, hindi pa man din kayo nakakalapit sakin ay patay na kayo."
Inilabas na nila ang armas nila, yung isa espada at yung isa scythe. Napasipol ako dahil sa scythe niya. Yun oh! Jackpot naman pala kapag namatay ang dalawang to. Matagal ko narin gusto ng scythe kaso ang papangit ng mga nakikita ko, at ang scythe na nakita ko ngayon ay isang rare one.
BINABASA MO ANG
Winning the Game of Life
ActionBe strong enough to survive And be strong enough to handle what lies ahead. Because in this game.. No mercy shall be shown.