Chapter 4

42 0 0
                                    

-Leo-

2 weeks has passed after phoebe and raquel joined us. And right now we are in a middle of a mission.

Kasama ko si phoebe at si neo at raquel naman ang magkasama, for the past 2 weeks din tinetrain namin ni neo ang dalawa. Minsan naman humihingi kami ng tulong kay dad lalo na kapag may mga kailangan kame tapusin ni neo.Si dad ang nagtetrain sakanila, hindi man sa personal pero nagagawa paring turuan ni dad ang dalawa.

"Teka teka teka!!!"

"Phoebe! How many times do I have to tell you not to shout?!" Pasigaw na bulong ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin kaya naman nilapitan ko siya. "Ano ba kasi yun?"

"Oy. Bakit kayo tumigil?" Sabi ni neo sa transmitter

"Ewan ko dito kay phoebe."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay phoebe. Yung itsura niya ngayon ay akala mo nakakita siya ng multo, takot na takot. Ano ba nangyayari sa kaniya?

Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin. Lalo lang kumunot ang noo ko dahil nakatingin siya sa isang grupo. Ano? May gusto ba siya sa isa sa mga lalaki na andun?

"Phoebe—"

"Can you shut up for a minute?"

Napapikit nalang ako ng mariin at huminga ng malalim para hindi sumabog, but.. I failed. Hindi ko kaya magpigil ng galit.

"Ano ba kasing problema mo?! Nagmamadali tayo oh!"

Biglang umurong ang dila ko nung tingnan niya ako ng masama. Aaminin ko na nakakatakot ang tingin niya na yun pero wala yun sa mga tingin ni dad.

"Leo, have you everheard of the shinigami team?"

"Ofcourse, they're team is famous for being the top team who eliminated the most number of teams by killing them. Why?"

"Have you never saw their faces before?" Tanong sakin ni phoebe. Umiling lang ako bilang sagot. "Well now you saw them. "

Literal na napanganga ako habang dahan dahan na tumitingin sa grupo na nakita namin. Nanlaki naman ang mata ko nung makita na nakatingin dito ang isang babae na mahaba ang buhok habang nakangisi.

"Shit."

Agad kong binuhat si phoebe at tumalon ako papunta sa kabilang puno. Saktong pagtalon ko ay may isang lalake na naglanding sa puno na kinatatayuan namin kanina habang may hawak hawak na malaking espada.

"Oh, you have good senses."

Itinago ko sa likod ko si phoebe at hinawakan ang scythe ko. Isang pindot lang dito ay lalabas ang patalim, Pero hindi ko muna ilalabas yun.

"Let me ask you some questions. If your answers are reasonable then I will let you off. But if not..I'll kill you." Malamig niyang sabi. "First question. Ano ang ginagawa niyo dito?"

"Napadaan lang kame. May tinatapos kame na mission sa area na to."

He keeps on nodding as I speak while walking back and fort.

"Then, bakit mukhang minamanmanan niyo kame."

Damn it. Naman kasi tong si phoebe eh! Ilang beses ako napalunok bago sagutin ang tanong niya.

"Hindi kayo ang minamanmanan namin kundi ang paligid. Baka kasi sakaling malapit na kame sa destinasyon namin. Hindi kasi namin alam ang eksaktong lugar."

"Liar."

Shut up, neo!! Hangga't maaari ayokong labanan ang mga to. Hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil wala pa akong kaalam alam sa kakayahan nila. Oo alam kong malakas sila, pero yun lang ang alam ko. Wala akong idea sa kung pano sila makipaglaban.

Winning the Game of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon