"Kawawa ka naman." Sabi ko dun sa zombie na kalahati nalang yung katawan at labas na yung laman at bituka.Zombie?
Yup! The zombie apocalypse just begun. Uhmm well, 3 months na bago magka-leche leche ang mundo. Nag g-grocery ako ngayon dito sa isang convenience store. Hindi ko pa kasi keri pumunta sa mall kasi mas maraming zombie doon. Atleast dito kunti kunti lang."Ano pa bang kulang?" Tinignan ko yung cart ko. Frozen goods? Check! Canned goods? Check! Eggs? Check! Pancit canton and ramen? Check! Napkin? Check! (babae din naman kasi ako no!) "Kumpleto na pala eh." Tinulak ko yung cart ko para pumunta sa cashier. Hindi para magbayad, kundi para kumuha ng box. Dun ko kasi ilalagay lahat ng mga pinamili ko.
May advantage din naman pala ang zombie apocalypse. Pwede kang magshop-lift kasi wala nadin namang batas dito eh at hindi nadin ako magwo-worry pag lumagpas ng 1000 ang pinamili ko kasi unlimited na pwede mong kunin eh.
Nilagay ko na lahat ng pinamili ko sa box. Ang disadvantage naman bukod sa may mga lalapa sayo na mga zombies ay walang tutulong sayo. Ikaw lahat magbibitbit lahat ng mga pinamili mo. Lahat ata ng mga gentleman ay naging zombies na.
Napatigil ako sa paglagay ng mga binili ko sa box ng may bigla akong narinig na nagg-groan. "Hay! Pati ba naman dito?" Sabi ko at tinignan yung zombie. Tsk! Isang zombie lang pala. Payat siya at tila gutom na gutom na. Wala na sigurong makain na tao. Pero sorry siya, hindi ako magpapakain!
Kinuha ko yung baseball bat ko at lumapit sakanya. As much as possible ay ayokong gumamit ng baril. Kung dati ay nagtitipid ka ng pera para maka-survive, ngayon kailangan mo magtipid ng bala para maka-survive.
Hindi ko na pinatagal at hinampas ko sa ulo yung zombie gamit ang baseball bat ko. Mamaya ang isang zombie maging sampu kaya binilisan ko na.
Tinapos ko na yung ginagawa ko. Kasya na siguro to para sa 1 month supply. Marami pa naman akong bigas sa bahay. Kinuha ko na yung box at umalis na ng convinience store.
Pumunta na ko sa van ko para ilagay lahat ng mga pinamili ko. Buti nalang talaga may na-dekwat ako na van. Sa tingin ko nga bago lang to eh. Chineck ko muna ang backseat "Good!" Sabi ko kasi walang zombie na nakapasok. Pumasok na ko sa van at inilagay sa shotgun seat ang box.
Plinug ko din yung iPod ko sa player sa van ko at nagdrive na ko. Nakakabagot kaya ang tahimik kaya kailangan ko ng music. Buti nalang din at malinis ang daan kaya wala akong problema.
"Mansae! Mansae! Mansae yeah!" Kanta ko. Hayy! Kamusta na kaya ang mga Sebongi ko? Nalapa na kaya sila ng mga zombie? Kung oo, feeling ko si Jihoon unang malalapa kasi maiksi biyas nun eh. Mahahabol abad siya ng zombie o kaya siya ang isa sa mga nagsu-survive ngayon kasi gamit niya ang gitara ni Jisoo para hampasin ang mga zombie. Nakakamiss mag-fangirl. Nagka-zombie apocalypse na, hindi padin ako nakakapunta sa concert nila. Sadlyf naman.
"AYY MANSAE!" Napasigaw ako ng biglang may lalake na nakaharang sa daanan. OO LALAKE! HINDI ZOMBIE! Buti nalang napa-preno agad ako kundi nasagaan ko siya. Kinuha ko yung baril ako at bumaba para kausapin siya.
"Hoy! Siraulo ka ba?" Sigaw ko sakanya.
"Siraulo na nga ata ako pero miss huhuhu! Tulungan mo ko! Nahiwalay ako sa mga kasama ko please help me!" Sabi niya at lumuhod sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/78948607-288-k992558.jpg)