Author's Note:
Hi guys! Sobrang saya ko kasi may nagbabasa na ng story ko! Sobrang ginanahan din ako mag-update dahil sa mga votes & sa nagcomment <3 thank you uli author shutterbae! Kinikilig padin ako HAHAHAHA <3
--
"Check niyo yung expiration date ah?" Sabi ko sakanila.
Andito kami sa loob ng convinience store at kasama ko yung tatlong itlog. Kami ni Bambam ang magkasama ngayon and sila Yugyeom at Youngjae naman ang magkasama. Nung una nga ayaw pa mahiwalay nung dalawa kaso sabi ko hindi kami matatapos ng maaga kung magdi-dikit dikit kami.
"Noona ikaw lang gumagawa nito magisa?" Tanong ni Bambam na taga tulak ng cart at tumango ako. "Grabe Noona ang tapang mo!"
"Kailangan mo talaga maging matapang dito sa zombieland bam. Bawal duwag dito." Sabi ko.
"Guys look ramen!" Nakita namin si Youngjae na patakbo sa direksyon namin at tuwang tuwa.
"Heol! Daebak!" Sabi ni Bambam.
"Noona pwede naman kami kumuha nito diba?" Tanong ni Yugyeom at nagpa-cute pa.
"Malamang! Hindi mo na nga kailangan magbayad eh!" Sabi ko sakanila.
"Sige Noona kukuha pa kaming ibang supplies!" Sabi uli ni Yugyeom na parang bata at umalis na sila ni Youngjae.
Nagpatuloy na ko sa pamimili at yung katabi ko naman daldal ng daldal. Tuwang-tuwa daw siya na ahgase ako. Tinatanong kung sinong bias ko, kung anong favorite song ko at marami pang iba pero dinidedma ko lang siya.
"N-noona?" Bulong ni Bambam at kinalabit ako.
"Hm?" Sabi ko at hindi parin tumitingin sakanya. Busy ako tignan yung expiration date pero kalabit ng kalabit si bambam kaya tinignan ko na siya. "Bakit b- oh? Isang zombie lang di mo pa kaya?" Sabi ko sakanya. May isang zombie kasi na palapit saamin pero paika-ika siya kung maglakad.
"Aim for the head. Go! Kaya mo yan." Sabi ko sakanya at inagaw ang cart na hawak niya.
Nung una nagaalangan pa siya at nanginginig habang hawak hawak ang baseball bat. Ako naman inirapan lang siya kasi isang zombie lang di niya pa kaya pabagsakin. "Tagal jusko!" Sigaw ko sakanya at mas lalong nag-growl yung zombie.
"Wooh! Noona eto na wait! Hana! Dul! Set!" At hinampas niya sa ulo yung zombie. "Wahh! Noona nakita mo?" Tuwang tuwang sabi ni Bambam at nag-thumbs up nalang ako.
"Goodjob on your first zombie kill. Tara na." Sabi ko at iniwan uli yung cart sakanya at naglakad na.
"W-wait noona!" Pagpigil niya sakin at tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Picturan mo ko! Hehehe!" Sabi niya at gulat naman ako ng may nilabas siyang polaroid mula sa backpack niya. Hinila niya ko papunta sa zombie at inilagay nya yung kanang kamay ng zombie sa noo nito at humiga din siya.
"Siraulo ka ba?" Clueless na tanong ko habang hawak yung polaroid niya.
"Bilis na Noona! Magda-dab kami ng zombie!" Sabi niya at nagpose.
Baliw na nga to. "One two three." Tamad na sabi ko at clinick yung shutter. Tumayo naman siya at tuwang tuwa habang lumalabas yung litrato. "Wow congrats on your first zombie kill & sa first photo mo kasama siya." Sarcastic kong sabi.
