07: Survival Stories

48 3 3
                                        



"Woah! This place is nice." Sabi ni Junior pagkadating namin sa farm at napangiti naman ako. Grabe kahit zombie apocalypse na ang gwapo niya padin.

Nagtulong-tulong silang iligay lahat ng ipinamili nila sa loob at nung natapos na sila tinawag ko silang lahat sa sala. Ako nakaupo sa mahabang sofa kasama ang maknae line. Si JB at Junior nakaupo sa pang solong sofa at si Jackson at Mark naman nasa lapag.

"Kahit pinatira ko na kayo dito dapat sundin niyo padin ako." Sabi ko. "May mga set of rules ako dito so kung gusto niyong mabuhay ng matagal, sundin niyo to." Sabi ko at sinabi na sakanila isa isa ang mga rules. Mula rule #1 hanggang rule #10.


"Wow noona! Ikaw lang gumawa nung mga rules na yan?" Tanong ni Bambam sa tabi ko.

"N-nakuha ko lang yan sa isang zombie film." Sabi ko.

"So saan kami pwede dito matulog?" Sabi ni JB.

"May tatlong kwarto dito and yung isa dun kwarto ko so kayo na bahala kung magkakasya ba kayo sa dalawang kwarto na yun and isa pa wag na wag kayong pupunta sa kwarto ko." Sabi ko at tumango naman sila. "At please lang wag kayong matakaw. Yung stocks na pinamili ko kahapon at yung pinamili niyo ngayon pagkasyahin naman natin ng isang buwan okay?" Sabi ko.

"YES BOSS!" Sigaw nilang sabi except dun kay Mark sungit.

"New rule. Rule #11: shut the fuck up. Baka gusto niyong magsipuntahan yung mga zombies dito." Sabi ko at nag-acting pa silang zinipper yung bibig nila. Ang cute lang hahaha! "Oh siya sino magluluto?" Tanong ko dahil for sure gutom na sila well kasi ako gutom na gutom na ko. Ang layo kaya nung convinience store mula dito sa farm! Halos isang oras din yung byahe tas ako lang yung nagdrive.

"Noona si Mark hyung lang marunong magluto saamin eh." Sabi ni Yugyeom.

Uwaaa! Ayoko siyang kasama magluto :(( hays kung hindi lang ako gutom eh! "Okay kami na magluluto." Sabi ko at pumunta na sa kusina.

"Ako na magsasaing!" Sabi ni Junior at tumango nalang ako.

Pagkadating namin sa kusina ay busy na magsaing si Junior sa gilid at yung kasama ko naman na magluluto ay nakasandal lang sa ref at naka-poker face. Hay nako! Kung hindi lang talaga kita bias bwiset ka! "So anong lulutuin natin?" Tanong ko with matching ngiti pa. I'm trying to be nice here!

"Ewan ko. Bahay mo to diba?" Nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. Kahit kelan talaga Mark Tuan! -__-

"Since mga foreigners kayo magluluto ako ng filipino food." Sabi ko. "Sundin mo nalang mga papagawa ko sayo okay?" Sabi ko at tumango siya.

"Wow noona! Sarapan mo ah?" Sabi ni Junior at umalis na. Ang bilis niya mag-saing huh?

Sa buong pagluluto namin ay tahimik lang kami. Very good naman tong assistant ko at hindi na nagreklamo. Na-realize ko din na ang pogi niya pala kahit napaka-sungit niya. Hindi ko kasi maiwasan na titigan siya habang naghihiwa siya ng mga gulay. Grabe am i living the fangirl life? Kahit zombie apocalypse na?

Nung natapos na kami magluto ay tinikman ko kaagad yung niluto ko. Mahirap na baka mapahiya ako sa pito. Pero nung titikman ko na nakalimutan ko na mainit papala iyon kaya napaso ako.

"Pabo." Sabi nung katabi ko at pinunasan yung bibig ko gamit ang tissue. (Pabo = stupid)

"S-salamat." Sabi ko. Jusko! Namumula ba ko?

Survival With GOT7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon