"Junior, Jaebum kayo sa tubig. Maknae line kayo sa canned goods and noodles at kami naman ni Jackson sa bigas and sa pwede pa natin magamit sa survival." Sabi ni Mark at naghiwalay hiwalay na sila. Nasa convinience store sila kung saan namili ang tatlong itlog at si Audrey dati. Si Bambam ang nag-suggest nito dahil paubos nadin yung stocks nila sa rooftop na pinagst-stayan nila.Sa kabilang banda naman ang maknae line ay naghahanap namimili nang inatas sakanila ni Mark. "Oy wag tayong maghiwahiwalay ah." Sabi ni Youngjae.
Nang makarating sila sa canned goods section ay may nakanakaw agad ng kanilang pansin. "Andito papala yung mga ramen ng dapat bibilhin natin kahapon." Sabi ni Yugyeom.
"Sige kunin na natin yan." Sabi ni Bambam na itutulak na sana yung cart kaso pinigilan siya ni Yugyeom.
"Teka may titignan lang ako." Sabi niya at hinanap ang thank you card na inilagay nila ni Youngjae sa cart na ito. "Hala hyung nawawala yung card!" Sabi niya.
"Huh? Anong card?" Tanong ni Bambam.
"Gumawa kami ng card para kay Audrey noona tas nilagay namin dito sa loob kaso ewan ko kung nasaan na." Sabi niya uli. "Hindi kaya kinuha na niya?" Sabi ni Youngjae.
"Hay sana nga." Sabi ni Yugyeom at nagpatuloy na sila sa pamimili.
Si Jackson naman busy sa pagbubuhat ng bigas sa cart at si Mark na naghahanap ng p-pwede nila magamit sa survival nila. "Hyung kung tulungan mo kaya ako dito ano?" Reklamo ni Jackson.
"Shh be quiet." Masungit na sabi ni Mark at nagmake-face lang si Jackson.
Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng may tumunog na bell mula sa entrance ng convinience store. Ang JJP ay nagtatago sa may cashier. Ang maknae line na nasa canned goods section padin na nanginginig na sa takot at ang MarkSon na nasa pinakadulo ng convinience store na may baril na sa kamay.
"Jackson in the count of three okay?" Sabi ni Mark at tumango naman si Jackson. "Hana... Dul... Set!" Pero imbis na isang zombie ang sumalubong sakanila ay isang babae na may bangs, naka salamin, naka-braid at naka-cap ang nakatayo sa gitna ng convinience store. Bago pa maka-react ang MarkSon na akmang babaril na ay sumlpot ang tatlong itlog.
"WAAAH NOONA!"
"NOONA NAMISS KA NAMIN!"
"Audrey noona! Annyeong!"
Nag-group hug ang apat at naiwang nakatulala si Mark. "Ikaw kasi ang o.a mo eh. Pahiya tuloy tayo." Sabi ni Jackson at iniwan si Mark at pumunta sa direksyon nila Bambam. Lumabas nadin ang JJP sa pagtatago sa cashier at pumunta narin kala Bambam.
"Hello! Sorry hindi maganda ang pagkikita natin kahapon." Sabi ni Jackson.
Audrey's POV
Wow. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nakita ko nanaman ang Got7 or maiinis dahil sa nangyare kahapon.
"Noona ba't ka nandito? Diba namili na tayo kahapon?" Sabi ni Bambam.
Nagulat ako sa tanong ni Bambam at tinago ang bagay na tinatago ko sa likuran ko. Sa totoo lang kaya ako bumalik dito kasi nahulog ko dito ang card na ginawa ni Yugyeom at Youngjae. Parang tanga lang no? Pero ewan ko. Di ko alam kung ba't parang ang importante na sakin nung card na yun. Magpapalusot na sana ako ng may umagaw ng card na tinatago ko sa likuran ko.