Author's Note:
Sorry natagalan ang update :( but anyway eto na ang last chapter ng flashback ni Audrey, baka namimiss niyo na kasi yung pitong itlog eh huehue.
--
Ilang araw na ba? Ilang buwan? Hindi ko alam. Basta ang alam ko masaya at secured ako pag kasama ko si Steven. Pakonti-konti niyang binubuo ang sarili ko. Tumatapang na ko pero kung pag ako nalang magisa? Hindi ko pa alam. Natatakot nga ko na baka masanay ako na palaging naka-depende kay Steven.
Pero sinasanay niya nadin ako maghawak ng baril. Naalala ko nga nun, waterguns ang gamit namin sa pagt-training. Pag baril kasi mismo baka maka-attract daw ng mga zombies.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko kasi inabutan niya ko ng isang watergun. May nakaset-up din na mga bote sa lamesa. Nasa may bakuran kami ngayon, sabi niya magt-training daw kami.
"Edi watergun. Bulag lang?" Sabi niya at napa-irap naman ako. "Ayan gagamitin natin sa pagtrain sayo."
"Diba dapat baril?"
"Gusto mo magka-zombie party dito? Maririnig ng zombie yung putok ng baril sira." Wow ako pa yung sira.
Hindi ko alam pero sinunod ko naman yung utos niya. Pinabaksak ko yung mga bote sa lamesa gamit yung watergun ko. Tuwing di ko nga natatamaan ay babasain niya ko. Bastusan lang.
"Very good. Pwede ka na maging zombie slayer!" Sabi niya pero binasa ko siya gamit yung watergun ko.
"Aba!" Sigaw niya saakin.
At ayun, yung watergun training namin ay nauwi sa laro. Yung tipong walang zombie apocalypse na nangyayare sa paligid namin. Parang naging 'ako' uli ako nun, yung hindi nagaalala kung may paparating na zombie. Nagtatawanan at naghahabulan lang.
"Lagot ka talaga sakin!" Sigaw niya pero takbo lang ako ng takbo habang binabasa padin siya. Gulat nalang ako ng naabutan niya ko pero nadapa din ako kaya natumba kami pareho. "Lampa ka talaga!"
Wala naman akong sugat pero nanatili kaming nakaupo dito at hinahabol ang hininga namin.
"Nag-enjoy ka?" Tanong niya at tumango naman ako pero biglang nag-slow mo. Papalapit ng papalapit ang mukha namin sa isa't isa yung parang sa telenovela lang.
"Tangina istorbo." Natawa ako ng may dalawang zombie na tila nanonood saamin. Hindi naman ako natakot kasi mataas na bakod ng mga electrical wire (na hindi gumagana) ang nakapalibot sa bahay at sa bakuran.
"Ikaw na bahala diyan! Magbibihis na ko." Pangaasar ko at pumasok na ko sa bahay.
Based sa bilang ko ay dalawang buwan na kaming magkasama ni Steven. Sumasama ako tuwing namimili siya ng mga stocks pero pag nagzo-zombie hunting siya ay nagpapaiwan ako kasi feeling ko di ko pa kaya.
At ngayon magma-mall daw kami. Nung una ay di pa ko sumangayon kasi alam ko maraming zombie na gumagala doon pero ayun nanaman siya sa trust me na sinasabi niya kaya pumayag nadin ako.
"Isipin mo mamamasyal talaga tayo. Wag mong isipin na may zombie apocalypse." Sabi niya. Siguro napansin niyang tahimik ako sa buong biyahe namin. "We have guns, knives and baseball bat so secured na secured tayo and you also have me." Sabi niya at nag-wink pa. Kalokohan talaga nito.
Mga thirty minutes din ata biyahe namin bago makarating kami sa mall at may limang zombie pa nga na tila nagwe-welcome saamin sa entrance ng mall. "Sure ka bang safe tayo dito?" Tanong ko.
