Lumapit ako kay Bambam at kinuha yung baseball bat na hawak niya. "Alam mo hindi kita binigyan niyan para tumanga lang okay?" Sabi ko at hinampas sa ulo yung isang zombie. "Always aim for the head." Sabi ko uli at hinampas uli yung isang zombie. "And if you're not sure kung patay na. Rule #2 double tap." Hinampas ko ang isa pang natitirang zombie at nung tumumba na siya, hinampas ko siya uli hanggang lumabas ang dugo't utak nung zombie. "Gets mo?" Sabi ko at tinignan siya. Mukha siyang gulat na gulat."T-thank you." Sabi niya at niyakap uli ako. Aba! Sumusobra na to' ah!
Tutulak ko na sana siya kaso may biglang nagsalita. "Bambam?" Napalingon ako sa nagsalita. Dalawang lalake na tila'y nagtatago sa school bus.
"Waaah! Hyung! Yugyeom!" Bumitaw si bambam sa pagkakayap saakin at tumakbo dun sa dalawang lalake.
"Namiss ko kayo!" Sabi niya at nag-group hug sila. Samahan ba yan ng mga bading? Tinignan ko yung dalawa. Mas mukhang malaman naman sila kesa kay Bambam na ang payat payat.
"Hyung, Yugyeom." Hinila niya yung dalawa at lumapit sila saakin. "Meet uhmm... Ano. Basta siya nagligtas saakin!"
"Hello i'm Yugyeom!" Sabi nung lalakeng matangkad na medyo reddish brown yung buhok.
"I'm Youngjae!" Sabi naman nung lalake na kapareho yung kulay ng buhok niya kay Bambam na brown.
"Okay." Sabi ko at dumiretso na sa van ko.
"T-teka hindi mo sasabihin panglan mo?" Sabi nung reddish brown yung buhok.
"No names." Sabi ko at nilagay sa backseat yung baseball bat na binigay ko kay Bambam kanina.
"Miss san ka pupunta?" Sabi ni Bambam
"Edi aalis na." Sabi ko.
"A-akala ko tutulungan mo ko?" Sabi niya uli.
"Take note, DAPAT." Sabi ko. "Pero since nag reunion na kayo ng mga kasama mo. I think wala na kong matutulong sayo." Sabi ko at sumakay na ng van.
"Noona! Please wag!" Sabi niya habang kinakatok yung bintana. Rule #3: Don't Trust Anyone. Hay! Dapat kasi nung una hindi ko na tinulungan tong' payatot na to' eh.
Basta wala na kong pake sakanya or sakanila. Pinaandar ko na yung van pero gulat ko ng humarang silang tatlo. "Please noona! Miss! Wala na kaming matutuluyan. Wala nga kaming kahit isang armas oh!" Sigaw ni Bambam. So kasalanan ko yun ganern?
Bumusina ako. Wala akong pake kung may zombie na makarinig kasi ligtas naman ako dito sa loob ng van. Sila lang yung malalapa. "Miss stop! Baka marinig ng zombie!" Sabi ni Y.. Yong.. Youngjae???
Binuksan ko yung bintana. "Edi wag kayong humarang diyan para hindi ako bumusina!" Sabi ko sakanila. Jusko! Hindi ako magaala Jana ng Survival With Exo na magku-kupkop ng mga ampon no! I rather survive na magisa lang ako!
"Please! Wala na kaming matutuluyan!" Sabi nung reddish brown yung buhok at lumuhod na.
Pakshet! Rule #3! Rule #3! Sabi ko sa isipin ko ng paulit-ulit.
"Please! Alam kong mabait ka. Nakita namin kung paano mo tinulungan si Bambam kanina." Sabi nung may reddish brown na hair at parang paiyak na. Bakit ko ba kasi tinulungan si Bambam eh!
