09: Flashback

65 5 0
                                    



Si Audrey ay nagtatago sa isang kotse sa isang highway. Limang araw na simula nung nagumpisa ang zombie apocalypse. Sobrang gulong-gulo siya sa mga nangyare na kahit mga magulang at kuya niya ay hindi niya na alam kung nasaan. Umiiyak siya at natatakot lumabas dahil baka may mga zombies na nagaabang. May hawak din siyang baril sa kamay niya pero hindi naman niya alam kung papaano ito gamitin.

Napa-angat ang kanyang ulo nang may nagbukas ng pintuan ng kotse. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang baril dahil baka zombie ito.

"W-woah! Chill lang miss!" Sabi nung lalake na nasa driver's seat. "Is this your car?" Sabi niya uli pero umiling lang siya dito.

"Nagtatago ka dito?" Sabi nung lalake at sabay may inilagay siyang bag na puro baril.

"O-oo." Sabi ni Audrey.

"By the way i'm Steven. Nice to meet you." Sabi nito at inabot pa ang kamay niya para makipag-shakehands.

"I'm Audrey." Sabi niya.

"Okay lang ba na pumunta ka dito sa shotgun seat? Para naman mas magkausap tayo ng maayos." Sabi ni Steven at tumango naman si Audrey para pumunta sa shotgun seat.

Pinaandar na ni Steven ang sasakyan. So far naman sa kanilang biyahe ay wala pa silang nasasalubong na zombies.

"Pulis ka ba? Ba't ang dami mong dalang baril?" Tanong ni Audrey dahil sobrang awkward nilang dalawa kasi ang tahimik.

"Sad to say, i'm not your Rick Grimes, but i can be your Glenn Rhee instead then you're my Maggie." Sabi ni Steven na ginulo pa ang buhok ni Audrey at tumawa.

"TWD fan huh?" Sabi ni Audrey at tumango naman ito.

"You know what you're so stupid." Sabi ni Steven habang nagd-drive padin. Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ni Steven. "What if i'm a bad person? Paano kung kunin ko tong kotseng to at iwan ka diyan sa daan? You shouldn't trust anybody Audrey, but don't worry i'm a good person." Sabi nito

Hala shet! Oo nga no? Ba't hindi ko naisip yun?

Pinukpok niya ang sarili dahil sa katangahang ginawa niya at natawa naman si Steven dito. "Ang cute mo." Sabi ng binata.

"Kaya ako maraming baril kasi nadekwat ko yan kung saan saan. You need guns to survive you know?" Sabi nito. "So what's your story?" Tanong uli nito.

"I was in a concert nung nangyare yung apocalypse. Sobrang gulo nung araw na yon. Gusto kong tumakbo pabalik ng bahay namin kaso sobrang rami na ng zombies so i have no choice but to hide here in the car." Page-explain ni Audrey. "How about you? What's your story?" Sabi uli nito.

"I'm a pizza guy. Akalain mong nangyare ang zombie apocalypse habang nagde-deliver ako. I don't know kung swerte to pero pinatuloy ako sa bahay ng pinagdeliveran ko kaso sa pangalawang araw ko dun ayun may binalak nila akong kainin." Sabi ni Steven kaya hindi napigilan tumawa ni Audrey. "Aww so rude." Sabi nito pero natawa nadin ang binata.

"Can i ask you something?" Sabi ni Audrey at tumango naman si Steven. "Simula nung nagkausap tayo kanina. Pansin ko lang na tawa ka ng tawa. Hindi ka naman unaware sa kaguluhan ng mundo diba?" Tanong niya.

Tumawa uli si Steven. "So anong gusto mong gawin ko? Umiyak ako? Magmukmok ako? Katulad nung babaeng nakita ko diyan sa likuran ng kotse na nagtatago at umiiyak?" Napairap naman si Audrey dahil sa pangaasar ni Steven.

Survival With GOT7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon