"jigeumcheoreom manmanmanmanman man
isseojumyeon nannannannannan"
"ANO BA!" Sigaw ko dahil umagang umaga may kumakanta at tumatalon sa kama ko. Pagmulat ko ang maknae line pala kasama si jackson. Si Bambam tumatalon sa kama ko at ginigising ako. Si Yugyeom, Youngjae at Jackson naman kumakanta ng Just Right. Hindi ko alam kung matutuwa akong may live concert ngayon sa harapan ko o mabbwiset kasi inaantok pa ko.
"Good morning noona!" Sabay sabay nilang sabi. Kailangan ko na ba masanay na may maiingay na ampon na ko dito sa bahay ko?
"Goodmorning hon! Breakfast is ready let's go!" Sabi ni Jackson kaya binatukan ko siya.
"Hon mo mukha mo!" Sabi ko at tumawa lang siya. Baliw lang.
"Oo na baba na ko! Magt-toothbrush lang ako saglit pwede?" Tumango lang sila at nagpunta na kong banyo.
Hindi ko alam kung ba't ang ganda ng umaga ko ngayon. Siguro nga sa kadahilanan na ang Got7 ang gumising saakin ngayon. Yes naman fangirl goals! HAHAHA
Paglabas ko ng kwarto ko hindi ko akalain na naghihintay papala sila sa labas. This time kumpleto na silang pito. "GOOD MORNING!" Sabay sabay nilang sabi kahit si mark nga eh kaya nagulat talaga ako.
"G-goodmorning." Sabi ko.
"Kamusta tulog noona?" Sabi ni Bambam na umakbay pa sakin habang pababa kami.
"Ok lang." Tipid kong sabi.
Pagbaba namin ay may nakahain na na mga pagkain sa kusina. May bacon, egg, hotdog at fried rice. Inubos na ba nila stocks namin? -___-
"Noona let's eat na!" Sabi ni Jackson at hinila ako sa dining room. This time si Jackson naman ang katabi ko at si Mark na hindi ko alam kung paano nakarating dito sa tabi ko. Nagpray muna kami bago kumain at nung natapos na ay ayun wala ng hiya hiya at nagsikainan na sila.
Kukunin ko na sana yung fried rice kaso bigla itong inagaw ni Youngjae at nagulat naman ako sa katabi ko na hinampas yung kamay ni Youngjae. "Paunahin mo si Audrey." Sabi ni Mark. Oo si mark. Yung masungit na Mark. Wow naman nagiba ata ihip ng hangin ano?
"S-salamat." Sabi ko kasi siya pa mismo naglagay ng kanin sa plato ko.
"Yieee!" Sabi nung anim kaya napa-iling nalang ako.
"Noona ilang taon ka na ba? Sa tantsa ko nga mas mukhang bata ka pa samin ni Mark." Sabi ni JB.
"1994 liner." Sabi ko habang kumukuha ng ulam.
"So i'm just one year older than you?" Sabi ni Mark at tumango lang ako.
"Kelan birthday mo noona?" Sabi ni Yugyeom.
"September 4." Sabi ko.
"Wow! Magkasunod lang kayo ni hyung." Sabi ni Jackson sabay turo kay Mark. Malamang alam ko. Ahgase here duh.
"MarkDrey shipper na talaga ako!" Sabi ni Yugyeom kaya nabilaukan ako bigla.
"N-noona okay ka lang?" Tanong ni Junior at nag thumbs nalang ako kahit ubo padin ako ng ubo. Nag-agawan pa nga si Bambam at Mark sa pagkuha ng tubig peromsi Mark yung nanalo.
"H-hindi ako na sige." Sabi ko kasi inaalalayan niya pa kong uminom ng tubig. Nung naging okay na ko, bumalik na din kami sa pagkain pero hindi na kaganon kaingay. Nung natapos kaming kumain kami ni Mark ang natalo sa bato bato pik kaya kaming dalawa ang naghugas ng mga pinggan.
Narrator's POV
Sa kabilang banda naman ang anim ay umakyat para pumunta sa kwarto ni Audrey ng walang paalam.
"Baka magalit si Audrey pag nakita niya tayo dito." Alalang sabi ni Junior pero inakbayan lang siya ni Jackson.
"Hindi yan! Umakyat nga kami kanina dito para gisingin siya hindi naman siya nagalit." Sabi ni Jackson.
"Tignan niyo hyung oh!" Sabi ni Bambam ng may nakitang box sa gilid ng kama ni Audrey. Katulad ito ng box na nasa ibaba na punong puno ng Got7 at Seventeen albums.
"Kung ako sainyo hindi ko titignan yan." Sabi nung leader pero dahil makulit si Bambam at isama mo nadin si Yugyeom at Jackson na pinipilit din tignan ang nasa loob ng box ay hindi nila pinakinggan si JB.
"Flowers and pictures?" Sabi ni Jackson pagka-bukas nila ng box. Sa loob ng box ay meron isang lantang rose at mga larawan.
"Hala sino kaya to?" Sabi ni Yugyeom pagkakuha ng mga larawan. Limang larawan ito ni Audrey at ng isang lalake.
"Baka kapatid niya?" Sabi ni Junior na nakitingin na din sa mga larawan.
"Eh hyung hindi nga niya kamukha eh!" Sabi ni Youngjae. "Tsaka tignan mo oh ang sweet sweet! May naka-akbay, may naka-back hug tsaka nakahalik pa siya sa pinsgi ni noona oh." Sabi naman ni Yugyeom.
"Baka boyfriend niya?" Singit ni Jaebum.
"Bakit kayo nandito?" Nagulat ang anim nang marinig nila ang boses ni Audrey na nasa pintuan kasama si Mark. Pagkatapos nila maghugas ng pinggan ay hinanap agad nila ang anim at nakita nilang nasa kwarto sila ni Audrey.
"Noona sino to? Boyfriend mo?" Sabi ni Yugyeom sabay pakita nung mga pictures pero bigla siyang siniko ni Junior.
"Audrey sorry ah? Pakielamero kasi tong mga to sorry talaga." Sabi ni Junior sabay hila sa anim palabas ng kwarto niya. Naiwan naman si Audrey at si Mark na nasa may pintuan padin.
"Are you okay?" Tanong ni Mark dahil napansin niya kasing naluluha na si Audrey.
"I'm fine. Please just leave me alone." Sabi ng dalaga at sinaraduhan na siya ng pintuan.
When Audrey saw the pictures the painful memories are coming back again. Simula nung nagkakilala sila, nagkamabutihan at nung naghiwalay sila. Steven is her boyfriend. Audrey's first ever boyfriend.
Sa kabilang banda naman ay nagsisisihan na ang anim kung sino ang nangielam ng box.
"Sabi ko kasi sainyo wag niyo ng pakielaman eh!" Sabi nung leader.
"Eh hyung ikaw nga din nakitingin eh!" Sabi ni Yugyeom.
"Si Bambam kaya unang nagielam!" Sabi ni Youngjae.
"Can you all shut up?" Nagulat sila sa pagdating ng pinaka-matandang member na si Mark. "She'll be alright so stop fighting." Sabi ni Mark at umakyat na sa double-deck. Nasa kwarto sila ngayon ng AmeriThaiKong a.k.a Mark, Bambam & Jackson. Si Mark ang nasa taas ng double-deck, si Bambam sa ibaba at si Jackson naman sa lapag.
Napatigil na sila sa pagaaway simula nung dumating si Mark. Nagsibalikan na din sila sa kanya kanya nilang kwarto pero si Bambam ay nasa labas padin at pinipilit kausap si Audrey.
"Noona sorry. Ako talaga unang nakielam nun." Pang-sampung beses niya na ata sinabi yang mga salitang yan pero hindi padin nagsasalita si Audrey kaya sumuko nalang siya at pumunta na sa kwarto nila.
"She'll be okay Bam don't worry." Sabi ni Mark na nakahiga at nagbabasa ng isang libro.
"Sana nga."
--
Author's Note:
Taray lumalovelife pala tong si Audrey HAHAHAHA
Flashbacks na ang susunod na chapter <3
Vote and Comment naman mga besssssss :(
