Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw. Nakalimutan ko pala takpan ng kurtina yung bintana sa kwarto ko."Ano yun?" Tanong ko sa sarili ko ng makaamoy ako ng pagkain. Teka? Sa alam ko wala naman akong kasama dito sa bahay ah?
"Mama?" Tanong ko sa sarili ko at dali dali ako tumakbo pababa. Andito si mama? Baka panaginip lang to lahat. Baka wala naman talagang zombie apocalypse. Ayan ang mga sinasabi ko sa isipan ko habang pababa ako.
"Ma? Pa?" Sabi ko habang papunta ako ng kusina.
"Hello miss!"
"Good morning!"
"Kain na tayo!"
Imbis na sila mama at papa o si kuya Raven ang makita ko, yung tatlong ugok pala na nagluluto sa kusina. Nasa zombieland papala ako.
"Feel at home huh? Hindi man lang tinanong kung pwedeng magluto ano?" Sabi ko sakanila at umupo na ko. Grabe ang dami ng niluto nila! Itong niluto nila pagkain ko na to para sa isang linggo. May fried rice, itlog, hotdog, spam at tocino.
"Eh Noona tatanungin ka naman talaga namin eh. Kaso naka-lock yung kwarto mo." Pag-explain ni Youngjae.
"Tsaka gutom nadin kami Noona hehehe!" Sabi naman ni Bambam.
"Fine! Pagbibigyan ko kayo pero ngayong araw lang okay? Kailangan niyo suklian lahat niyang kinain niyo." Sabi ko sakanila at kukuha na sana ng kanin kaso inagaw to' ni Bambam. Sobrang wow talaga tong' mga ampon ko.
"Hindi porket pinatuloy ko kayo dito sa bahay ko ay feeling niyo guest na kayo dito ah? We're survivors here. You'll help me with shopping for our food supply which is gagawin natin mamaya kasi inubos niyo na ata lahat ng stocks ko." Sabi ko pero mukhang hindi naman sila nakikinig kasi nguya lang sila ng nguya.
"Minsan nagzo-zombie hunting din ako diyan sa may forest na malapit sa farm." Sabi ko ulit. Kumuha na ko ng pagkain ko. Well, thankful naman ako kasi pinagluto nila ako ngayon.
"Z-zombie hunting?" Sabi ni Bambam at mukha naman silang gulat na gulat.
"Yup! Mahirap na baka rumami zombies dito malapit sa farm." Sabi ko.
"Pero Noona hindi kami marunong gumamit ng baril." Sabi ni Yugyeom
"Kaya nga tuturuan ko kayo diba? Akala niyo naman pag sinugod tayo ng mga zombies ako lang magisa magaala superwoman para sainyo." Sabi ko. "Teka!" Sabi ko ulit. "Nabuhay kayo dito sa zombie apocalypse na to for 7 months nang hindi kayo marunong gumamit ng baril?"
"Si Mark hyung at Jackson hyung marunong gumamit ng baril at tsaka Noona simula nung nagka-zombie apocalypse nasa loob lang kami ng bahay na pinagst-stayan namin. Ligtas dun kaso pasaway lang talaga si Bambam kaya nagkawatak-watak kami." Sabi ni Youngjae at binatukan pa si Bambam.
Tumango ako at nagsalita uli. "Noona? Ano ba yun? Ba't ba yun tawag niyo sakin?" Tanong ko sakanila.
"Sa Korea kasi kapag lalake ka, ang tawag mo sa nakakatandang babae ay Noona." Sabi ni Yugyeom
"Ahh so Koreano kayo except dito?" Sabi ko at itinuro si Bambam; tumango naman sila.
"Hindi mo talaga kami kilala Noona?" Tanong ni Yugyeom.
"Hindi niya tayo kilala pero kilala niya yung Seventeen." Busangot na sabi ni Bambam.
Luh? Ano namang problema kung kilala ko yung Seventeen?