"What have you done hyung?" Tanong ni Bambam kay Mark pagkaalis ni Audrey."What? Tama naman ako diba? Remember our rule? Trust no one but us." Sabi ni Mark.
"Umakyat na muna tayo sa taas. Mamaya na kayo mag-away diyan." Saway ng leader sakanila.
Pumasok na sila ng building para makapunta uli sila sa rooftop. Eto ang naging tuluyan ng hyung line ng Got7 nung nagkawatak-watak sila. Naunang umakyat ang hyung line at nahuli ang maknae line na malungkot dahil umalis si Audrey.
"Bam paano na si Noona?" Tanong ni Yugyeom.
"Oo nga. Magtapos ka niyang iligtas at pinatuloy niya tayo sa bahay niya iiwan nanaman natin siyang magisa." Sabi uli ni Youngjae.
"Hindi ko alam." Malungkot na sabi ni Bambam.
Pagka-akyat nila sa rooftop. Nakita nila ang dalawang malaking tent at lamesa na puro baril at ammo. "Woah? Where did you get all of this?" Tanong ni Yugyeom.
"Hindi din namin alam. Yung dalawang tent andito na pagdating namin. Yung mga baril hindi ko alam kay Mark hyung." Sabi ni Junior.
"May canned goods at tubig diyan sa loob ng tent. Kumain na kayo." Sabi ng leader.
"Hyung kumain na kami bago kami umalis. Pero nauuhaw ako hehehe!" Sabi ni Youngjae at pumasok sa loob ng tent.
Si Bambam nakaupo lang sa sulok at malayo ang tingin. Iniisip niya parin si Audrey. Nag-guilty siya kasi naiwan nanaman si Audrey magisa.
"Wag ka magalala Noona! May kasama ka na ngayon!"
Alala niyang sabi kay Audrey. Sa totoo lang ay naaawa siya kay Audrey. Kahit may malaking bahay siya, mga armas at van. Hindi niya maimagine kung paano siya nabuhay sa magulong mundong to' na magisa lang.
"Bam, tubig oh." Alok ng leader at umupo din siya sa tabi ni Bambam pero hindi tinanggap ni Bambam ang tubig. "Intindihin mo din naman si Mark. Nagpapasalamat ako kasi tinulungan niya kayo pero hindi padin namin siya kilala."
"Pero kilala namin siya!" Sigaw ni Bambam na napatingin yung lima sakanila. "Mabait si noona! Diba Youngjae hyung? Yugyeom?" Tanong niya sa dalawa pero yumuko lang ang mga to.
"Wow! Matapos niya tayo tulungan yan lang igaganti niyo?" Galit na sabi ni Bambam sa dalawa.
"Bambam shut up." Sabi ni Mark pero hindi niya pinansin ito.
"Oo niligtas niyo kami. Pero kung hindi ako niligtas ni noona baka ngayon wala na ko! Kung hindi niya kinupkop pati si Youngjae hyung at Yugyeom baka wala nadin sil-"
Napatigil sa pagsasalita si Bambam ng sapakin siya ni Mark. Gulat na gulat ang lima pero inawat parin nila ang dalawa. Sobrang dalang magalit ni Mark. Siya yung tipong tahimik lang kung magalit.
"Tumigil na nga kayo! Tayo nalang dapat nagkakampihan dito kasi nagkaleche-leche na ang mundo!" Sigaw ni Jaebum.
Pumasok na lang si Mark sa loob ng tent at bumalik si Bambam sa pinagupuan niya kanina. Si Youngjae at Yugyeom nasa labas lang ng tent at nakayuko. Si Jackson inaayos ang mga baril. Si Junior na nagulat si inasta ni Mark at si Jaebum na nagalit nadin kasi nagaway ang dalawa.
---
Sa kabilang banda naman ay bumalik si Audrey sa convenience store. "What if she's a bad person. Serial killer? Psycho? Neknek mo!" Galit niyang bulong sa sarili. Pagpasok niya sa convinience store ay tahimik at tila lahat ata ng zombie na nasa paligid ng convinience store ay naubos na dahil sa mga humabol sakanila kanina.