011: Saranghae!

54 3 6
                                        


--

"So yeah, ayun yung nangyare." Kwinento ko kasi sa pito yung tragic love story namin ni Steven.

"Grabe noona! Maala-Romeo at Juliet!" Sabi ni Bambam kaya nabatukan naman siya ni Jaebum.

"Tanga! Pareho silang namatay doon." Sabi ni Jaebum kaya napa-iling nalang ako.

"Never mo siyang nakita noona? Kung nasa zombie form na ba siya o ano?" Tanong ni Yugyeom.

Feeling ko isa akong lola na nagkkwento sa pito kong apo ng fairytale. Katabi ko sa mahabang sofa si Jinyoung at Jackson. Nasa pang-solong sofa si Mark at ang Maknae line with leader ay nakaupo sa lapag.

Umiling ako. "Nope, never and sana hindi na."

"Okay! Change topic na!" Sabi ni Jackson dito sa tabi ko. "I-rank mo nalang kami noona! From pinaka-pogi na katulad ko hanggang sa pinaka-engkk katulad ni Youngjae." Natawa naman ako sa sinabi niya. Pogi naman si Youngjae ah?

"Atleast hindi ako bansot kagaya mo!" Ganti ni Youngjae.

"Hoy! Konti lang pinagkakalayo ng height natin no!" At nagaway na po sila.

Nagulat naman ako nang tinapik ako ni Jinyoung "Noona rank mo na kami." Sabi niya. Noona? Eh magka-edad lang kami nito eh!

"Sige na! Ira-rank ko na kayo! Walang masasaktan ah." Sabi ko.

"Ang number one ay si...." Pagsu-suspense ko at kitang-kita ko na abang na abang talaga sila. "Youngjae!"

"HALA NOONA BAKIT?!" Sigaw sakin ni Jackson. Ang sama talaga nitong isang to! Pogi naman si Youngjae ah? Nakakatawa siya tsaka maganda boses.

"Wow! NickInBi na nga sa iGot7 dati tas ngayon ikaw nanaman." Sabi ni Yugyeom. (AN; NickInBi is Nickhun in Visual. Tinanong si Nickhun dati kung sinong pinakapogi sa got7 and sagot niya ay si YJ)

"Ang sama niyo kay Youngjae!" Sabi ko kaya tinulak ko si Jackson na nakatabi ko at hinila ko si Youngjae para tumabi saakin.

"Grabe noona ang harsh mo sakin!" Sabi ni Jackson pero inirapan ko lang siya.

"Bilisan niyo na nga! Sinong number two?" Sabat ni Mark.

"Yieee! Umaasa siya na siya yung number two!" Pangaasar ko pero inirapan lang niya ko. Hmp! Sungit.

"Number two ay si Yugyeom!"

"Hala noona bakit?!" Sabi ni Jinyoung sa tabi ko.

"Bakit? Anong masama kaya yugyeom?" Sabi ko at tinulak ko siya katulad ng ginawa ko kay Jackson. Ang cute cute kaya asarin sila!

"In your face Jackson hyung!" Sabi ni Yugyeom at niyakap pa ko.

"Number three ay si hmm?" Okay, this time magiging honest na ko. Hindi naman sa hindi pogi sila Yugyeom at Youngjae pero gusto ko lang talaga asarin si Jackson. "Sige na Mark, ikaw na. Wag ka na tampo!" Asar ko kay Mark.

"Hoy! oppa mo ko." Sabat niya.

"Hoy kadin! Oppa ka diyan? Ilang months lang pagitan natin no!" Sabat ko naman.

"LQ na ba to?" Sabi ni JB kaya napairap ako.

"Anong LQ?! Q lang dapat! Quarrel lang!" Sabi ko pero tinawanan naman ako ng anim. Mga abno talaga.

"Bilis noona! Yung pang-apat na!" Atat lang si Jackson ano?

"Pang-apat ay si Bambam!"

"Hahaha! Bleeh! Buti nga Jackson hyung." At pinagkaisahan na nila si Jackson.

"Ang daya mo noona! Biased maknae line ka pati kay Mark hyung."

"Sa maknae line, honest lang si noona no! Kay mark hyung hindi ko lang alam kasi nahuli ko sila sa kusina kagabi tapos namumula si Audrey noona." Sabi ni Yugyeom.

Aba! Gawan ba naman ng issue?!

"Ewan ko sainyo! Basta pang fifth ang JJP tas last ka Jackson!" Sabi ko at nagbelat pa sakanya.

"Grabe ka sakin noona!"

"Ang sama mo kasi kay Youngjae kanina." Sabi ko naman.


Matapos nung ranking kuno namin ay may sari-sarili na kaming mundo. Si Mark at Jinyoung nagbabasa ng libro. Si Yugyeom at JB pinapatugtog yung Just Right album na binili ko noon at ang 2/3 ng Maknae line with Jackson ay tinuturuan ako mag-Korean.

"Ano ba yan noona! Korean ka pero hindi ka marunong mag-korean!" Sabi saakin ni Jackson.

"Hello?! Dito na po kaya ako pinanganak. Tsaka hindi naman ako sinanay ng parents ko na magsalita ng korean!" Pagdidipensa ko.

Totoo naman eh. Si papa kasi Korean tas si mama pinay pero si papa dito nadin pinanganak katulad ko although marunong siya magkorean, hindi kagaya ko. Si kuya ang alam ko marunong din siya. Ako naman kasi basic korean lang ang alam ko. Annyeong hasaeyo, mianhe blabla pum pak ganern.

"Ay may tuturo ako sayo noona!" Biglang sabi ni Bambam. "Diba madalas kayong nagkakapikunan ni Mark hyung? May pang-ganti ka na sakanya." Napangisi naman ako. Pang-ganti? Kay Mark sungit? Aba sige!

"Ano naman yun?" Tanong ko.

"Sabihin mo Mark oppa! Saranghae." Teka? Parang narinig ko na yun? Medyo nangangalawang nadin kasi yung utak ko kaya madalas ako makalimot pero nagulat ako ng tumawa yung tatlo.

"Hala? Anong nakakatawa?" Tanong ko.

"Wala! Nakakatawa kasi yung word na yun kaya for sure makakaganti ka kay Mark hyung." Sabi ni Youngjae.

"Teka? Ano ba ibig sabihin nun?" Tanong ko uli kasi mamaya sobrang masama naman ibig sabihin nun at ayoko naman ng ganun.

"Basta noona!" Sabi ni Bambam.

"Pero lakasan mo lang kasi medyo bingi yan si Mark hyung eh." Sabi ni Youngjae.

"Yes! Tama tama." Sabi naman ni Jackson.

Natawa naman ako pero sige. Minsan lang naman ako makaganti dito kay Mark sungit tsaka hindi naman nila ako tuturuan ng mali diba?

"Mark oppa!" Sigaw ko at agad ko naman nakuha ang atensyon niya. Kahit nga yung tatlo na busy din ay napatingin. Siguro kasi tinawag ko si Mark na oppa. "Saranghae!"


"MWORAGO?!" Sabi niya at gulat na gulat. Yung JJP at si Yugyeom ay gulat na gulat din at eto namang tatlong korean tutor ko ay tawa ng tawa.

May mali ba sa sinabi ko?

--
Author's Note:
Ang daming author's note diba? 😂 pero anyway ang sabaw nitong chapter na to. Nag-update lang ako kasi miss ko na yung pito pero nakapag-shoot na daw sila nang bagong MV so excited na koooo! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Survival With GOT7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon