Yenah's POV.
Naglalakad kami ni Shikina sa school campus. Si shikina, wala syang imik. Nakakapagtaka. Alam kong namomroblema sya kase ang gulo ng mga kilos ni Hikaru. Madalas syang dumaldal sakin at magtanong kung ano na nga daw talaga ang nangyayari. Pero ngayon, wala. As in wala syang imik.
"Babes? Shikina. Tahimik ka ngayon. Ala--"
"Ang sakit Yenah"
Nagulat ako sa sinabi ni Shikina. Tahimik lang sya. Pero nung binanggit nya yung tatlong words na yun. Kitang-kita ko na sa mga mata ng best friend ko yung lungkot, at sakit.
Napatingin ako sa kamay nya. Bakit may dalawang band aid yung gilid ng kamay nya?
Kinuha ko yung kamay nya at tinignan ng maigi pero wala syang paki alam.
"Sinasaktan ka ba ni Hikaru?!"
Napatigil sya sa paglalakad ngayon at tumingin sakin. Umiling lang sya at naglakad nanaman. Ano ba?!
"Shikina mag sabi ka ng totoo! Please. Tutulungan kita. Anong nangyari kagabi? Bakit may sugat ka?"
Tumingin ulit sya sakin at hinatak ako papuntang garden. Sa lugar na walang masyadong istudyante.
Tumingin si Shikina sakin at nagulat ako ng tumulo bigla yung luha nya.
"Hindi ko na kase kaya, babes. Nasasaktan ako kapag lumalayo at hindi ako pinapansin ni Hikaru. Kase mahal ko na sya. Kaya kagabi. Sinubukan ko syang antayin. Pinagluto ko pa sya ng ulam at inantay kahit na malapit nang mag 12:00 nun." Tuloy-tuloy lang yung agos ng luha ni Shikina.
"Pero pagdating nya kagabi. Nilagpasan nya lang ako at hindi pinansin kaya hinatak ko sya papunta sa dinning area para kumain. Pero.... hinagis nya yung plato at nabasag... kaya nung niligpit ko yun.. sa sobrang pag iisip ko sa kanya.. hindi ko napansin na nasugatan na pala ako ng bubog.. babes.... nasasaktan ako sa ginawa nya sakin kagabi..."Niyakap ko si Shikina. Ang sama ni hikaru para ganunin nya si shikina. Ano ba kase ang problema nya?! Bakit nagkaganyan sya?! Pati ako naaawa na sa kaibigan ko!
"I'll talk to Soohn later para tawagin nya si Hikaru at kakausapin natin"
"No need Yenah. I'm fine"
"Tsk! Bakit ba pinipilit mo na okay ka lang, Shikina? Look at yourself! Ang laki na ng eyebags mo, namamaga na yung mata mo sa iyak. Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo na okay ka lang?! Stop acting that your okay! We're not an actresses to act in drama way na bigla bigla nalang may mangyayaring himala! Nothing will happen if your just crying and sit here habang nasasaktan. Kumilos ka pa. Don't give up. Kase kasal narin kayo"
BINABASA MO ANG
My Pervert Cassanova Husband
RandomAng story na to ay teen Fiction & romance Pano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa taong hindi mo naman kilala? Pano kung yung taong yun at pervert at cassanova? Oo dumating na yung araw na kinasal kayo. Pero anong gagawin mo kung yung dating...