Yenah's POV.
Hindi ko alam kung uurong ba ako sa gagawin ko o itutuloy ko? Nararamdaman ko kaseng mukhang mapapahiya lang ako eh.
Habang palapit sila. Napako nako sa kinatatayuan ko. Ang saya-saya ng itsura ni Soohn habang naka akbay sa babae. Kung pinag explain ko lang sya at inintindi muna at hindi hiniwalayan. Ako sana yung babaeng inaakbayan nya ngayon.
Oo na. Nagsisis nako. Sising-sisi na talaga ako. Ako na ang mali. Tanggap ko na na mali ako. Tanggap ko na na ang tanga ko. BASTA BUMALIK LANG SAKIN SI SOOHN!.
Papalapit na sila. Umaasa ako na bibitawan nya yung babaeng inaakbayan nya at hihinto sa harap ko at hihingi ng sorry pagkatapos ay yayakapin ako ng mahigpit.
Pero...
Sadyang maraming paasang tao sa mundo..
Nilagpasan nya lang ako..
At binangga pa nya yung balikat ko..
Masakit.
Oo. Sobrang sakit.
Umasa ako. Pero sadyang assumera lang talaga ako.
Kusa nanamang tumulo yung luha ko ng wala sa lugar.
"Soohn"
Sinubukan ko syang tawagin pero walang tumugon. Kaya lumingon ako sa likod..
Pero sadya ba talagang inaasar nya ako?!
Hinalikan nya yung babae..
At saka na sya umalis palabas ng gate ng school sa hindi ko alam na dahilan.
Sino nga ba ako para magselos?! Ako ang tunay na girl-----
HINDI NYA NA PALA AKO GIRLFRIEND. KASE HINIWALAYAN KO NA SYA😭😭😭
Pinunasan ko agad yung mga luha ko at tumakbo sa roof top. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang tumalon mula 5th floor hanggang 1st floor para matapos na ang sakit na nararamdaman ko.
************
Soohn's POV.
Kung inaakala nyo na ginagago kona si Yenah? Mali kayo. Mahal na mahal ko si Yenah. Tumigil ako ng isang linggo sa pagsuyo sa kanya. Kase gusto kong malaman kung mahal nya pa ba talaga ako. Pagnagtaka sya at nasasaktan sya tuwing may kasama akong ibang babae. Ibig sabihin mahal pa nya ako. Pero kung walang epekto. Wala nakong pag asa.
Nung nakasalubong ko si yenah kanina. Hindi ko maipinta ang mukha nya. Hindi ko alam kung nasasaktan na ba sya o hinde. Sana naman magbigay na sya ng clue. Para pag naramdaman kong oo nasasaktan ko na sya. Ititigil ko na lahat ng ito.
Kaya ako lumabas ng school kanina kase hindi ko na kayang nakikita si Yenah ng walang pake. Kase kanina. Naramdaman kong wala lang ang lahat sa kanya. Pero huminto sya sa paglalakad. Ang gulo nya noh?!
Gusto ko na syang kausapin. Gusto ko nang maayos ang lahat. Sana ganun din ang hinihiling nya.
Bumalik ako sa school after 1 hour. Umakyat ako sa roof top.
Pero...
Hindi ko inaasahang..
"Yenah?"
Lumingon sakin ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon. Umiiyak sya.
Halatang nagulat sya pagkatingin nya sakin.
"S-soohn"
"Alam kong irereject mo parin ako. Pero kung hindi mo na kaya ang pangungulit ko. Sabihin mo lang. Ititigil ko na to"
Pagkatapos kong sabihin yun. Tumalikod nako. Hindi ko na hinintay na magsasalita sya. Inaasahan ko nang sisigawan nya lang ako at idadakdak sakin ang lahat ng nagawa kong mali. Tulad ng pangbababae. Paghalik sa kanya ng sobra-sobra na minsan kinaiinisan nya na. At higit sa lahat. Yung mga monthsary namin na minsan tinatakot ko muna sya na kungyari hindi ko yun.naalala. Tapos bigla syang magagalit at susuyuin ko sya.
Pero hinde.
Pagtalikod ko..
Naramdaman kong may yumakap sakin.
"Soohn. I'm so sorry"
Humarap ako sa kanya. Halos naliligo na sya sa luha nya.
"Mali ako. Mahal parin kita. Alam kong mali yung ginawa kong makipagbreak na sayo habang hindi pinapakinggan yung explination mo. Sorry na. Hindi ko naman alam na pati pala ako mahihirapan sa ginawa ko. I'm really sorry, Soohn. Mahal parin kita. Yun lang ang alam ko"
Nabuhayan nalang ako ng loob sa sinabi nya. Kaya niyakap ko sya agad.
"Namiss kita. I love you, Yeng"
"I love you too, Soohn"
"Gawa na tayo ng little angel"
*pak*
"Aray naman! Kababati lang natin. Hinampas mo na agad ako, Yeng"
"Eh kase naman! High school palang tayo!"
"SUS! pero gusto mo rin"
Nandilim yung mata ni Yenah kaya tumawa nalang ako. Hindi ako makapaniwala na okay na kami. Sana tuloy-tuloy nato.
BINABASA MO ANG
My Pervert Cassanova Husband
De TodoAng story na to ay teen Fiction & romance Pano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa taong hindi mo naman kilala? Pano kung yung taong yun at pervert at cassanova? Oo dumating na yung araw na kinasal kayo. Pero anong gagawin mo kung yung dating...