Shikina Seouyl's POV.
"Mam Shikina? Kain na po"
Tawag sakin ng maid namin na si yaya Rio.
"Susunod na po ako"
Sabi ko at ngumiti nalang sya at lumabas na ng kwarto ko.
Ako nga pala si Shikina Seouyl. Ang one and only daughter ng may ari ng publishing company sa Pilipinas. Oo mayaman kami. Pero hindi ko pinagyayabang yun. Nabubuhay ako ng mayaman pero para sakin kapantay ko parin ang ibang tao.
Sila mommy at daddy ay masyadong busy sa work nila kaya minsan lang umuuwi yung mga yun dito sa mansion. Pero kung uuwi man sila duon pa sa kabilang mansion namin. Dalawa ang bahay namin. Etong mansion nato ay balang araw ibibigay na raw talaga nila sakin.
Mabait ako, palakaibigan at higit sa lahat masayahin. Hindi ako nang aaway ng basta-basta lang. Mapagbigay ako. Ako ang tinuturingang 'Angel Queen' ng eskwelahan. After kong kumain pumasok nako sa school. Sa Clarkson Highschool.
Walang nang aaway sakin dahil halos lahat ay takot sa magulang ko. Kilalang kilala ako sa school. Pag may nang aaway sakin. Sumusugod ang parents ko sa school. Ganyan nila ako kamahal dahil nag iisang prinsesa lang daw ako.
Kung nagtatanong kayo kung may boyfriend nako? Wala po. NBSB ako. Oo sikat ako. Nakasalamin rin ako pero marami rin namang nagkakagusto sakin. Sobra. Hindi ako nagboboyfriend kase wag daw muna sabi nila mommy. 16 yrs. old palang kase ako.
Pagtapos kong kumain dumeretso nako sa school.
"Babes!"
Sigaw sakin ni Yenah Seul Bi. Yenah for short. Sya ang aking best friend at sa sobrang close namin. Babes ang tawagan namin. 'Baesfriend' kase kami. Ibig sabihin nun para samin mag best friend na habulin. Pareho kaming habulin ng lalake eh. Kaya baesfriends as in 'bae'. Kung sa eat bulaga 'that's my bae'. Kami 'that's my babes'.
"Baket babes?"
"Narinig mo ba yung sinabi ko!?"
"H-hinde. Bakit may sinasabi ka ba?"
"Babes naman eh!! Sabi ko ang gwapo ni Soohn!!"
"Ha!? Yung kaibigan nung demon king na si Hikaru!? Asan!? Saka, babes. Demon sya! Ang panget ng ugali mala demonyo talaga"
"Ayun sya o! Saka, grabe ka naman sa mahal ko"
Nagpout si Yenah. Tss. Sana lage nalang syang naka pout. Ang cute tignan ng babes ko! ;-)XD
"Mahal mo? O sige sya nalang babes mo"
Sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.
"U-uy! Joke lang syempre labs kita kesa sa kanya eh. Labyuh babes!"
Tss. Kadramahan ng babes ko. Niyakap nya ako mula likod. Hahaha! Binibiro ko lang dya eh
Humarap ako sa kanya sabag dila. Tas tumakbo ako palayo. Hahah! Diba? Ganyan ang best friend. May manggugulo lage.
"Hoy! Style mo talaga babes bumalik ka dito!
Naghahabulan kaming dalawa ng tumunog yung bell. Meaning. Umpisa na yung klase.
Nagstop muna kami at sabay pumunta sa classroom namin. Tawa pa kami ng tawa habang umaakyat.
BINABASA MO ANG
My Pervert Cassanova Husband
RandomAng story na to ay teen Fiction & romance Pano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa taong hindi mo naman kilala? Pano kung yung taong yun at pervert at cassanova? Oo dumating na yung araw na kinasal kayo. Pero anong gagawin mo kung yung dating...