HONEYMOON

45 0 0
                                    

Hikaru's POV.

After 3 hours nakarating narin kami sa venue. Hindi naman kase namin gustong magpakasal sa isat-isa at biglaan lang din ang kasal diba? Kaya hindi naman namin kelangan ng bonggang honeymoon. Saka wag na silang umasa na magkakaroon na sila ng apo. Magpapahinga lang kami dito. Pwera nalang kung papayag tong si Shikina na bumuo na kami ng baby😏.

Pagpasok namin sa kwarto. Simple lang medyo malaki narin pero tama lang. Yung kama malaki at may bubong pa na parang kama ng royalties.

Naghubad na ako agad ng pang itaas.
"Ehem, may babae po dito"

Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Tss. Si Shikina. Haha. Mapagtripan nga.

"Tss. Ano naman? ASAWA, mo naman ako diba?"

Kelangan may diin yung word na asawa para mapikon sya agad. At mukhang effective. Naasar sya agad. Parang may lumabas na usok sa ilong ng asaw--- I mean ni Shikina.

"Don't call me na asawa mo ko. Asawa na nga kita pero wag mo naman ipagkalandakan na mag asawa na tayo" -shikina

"Sus! Gusto mo rin naman diba? Well, kahit anong baliktad mo asawa na kita at asawa mo na ako. Diba? BABE?"

Nanlaki yung mata nya ng tinawag ko syang babe! Hahahaha!

"Stop that endearment word!" -shikina.

Naglakad na sya palayo pero sa sobrang haba ng gown nya... Natisod sya.. Pero don't worry.. Nasalo ko sya. Yun nga lang akward..

Nakatitig sya sa mga mata KO. Naaamoy ko bawat hininga nya. Nagblush sya ng konti.

"Ahm.. T-thank you, Hikaru"

Tumayo na sya at patayo narin ako ng maglakad sya at muntik nanaman syang matisod kaya hinawakan ko agad sya ss bewang para di sya matumba.

"Tss. Bakit ba ang lampa mo!?" Pang asar ko sa kanya.

"Ikaw kaya magsuot ng napakahabang gown!?"

Tss. Mukhang nairita sya kaya binitawan ko na sya at naglakad na patalikod. Naglakad narin sya pero nagulat akong may marinig akong lumagapak sa sahig.

Lampa talaga. Ayan tuloy tuluyan na syang sinalo ng sahig

"Ouch!"

Sa una tinignan ko lang sya.

"What kind of husband are you na tititigan lang ang wife nya na nakasalampak sa sahig!?"

My Pervert Cassanova HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon