Tears

23 0 1
                                    

Shikina's POV.

1, 2, 3, 4...

Ewan! Hindi ko na mabilang kung ilang weeks nakong hindi pinapansin ni Hikaru. Nakakasawa na. Hindi ako sanay. Mas gugustuhin ko nang mag asaran kam lagi kesa ganito na hindi nya ako pinapansin.

Nagluto ako  adobo para sa dinner. Aantayin ko sya ngayon. Itatanong ko sa kanya kung ano ba talaga ang problema. Hindi na kase ako makatiis eh. Alam kong wala lang ako sa kanya. Pero kahit naman wala ako para sa kanya. Asawa nya na ako..............sa papel...

Napatayo ako sa sofa ng may magbukas ng gate. 11:30pm. Si Hikaru. Andito na sya. Ngumiti ako sa harap nya... pero nilagpasan nya lang ako.

Umakyat na sya sa taas. Parang wala syang nakitang tao.

"HIKARU! H-hindi ka ba--"

"Hindi ako gutom"

"Inantay kita"

"Wala akong pake"

"Please'

  Lumapit ako kay hikaru at hinatak sya papunta sa dinning area. Pagdating dun...







Binato nya yung plato...

"SINABI NG HINDI AKO GUTOM!! BAKIT BA ANG KULIT MO!!!"

Pagkatapos nya akong sigawan. Kusang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit! Parang may tumusok sa puso ko dahilan para mapaiyak ako. Galit nga talaga sya. Bakit? Anong dahilan?

Umiiyak akong kumain mag isa. Habang nililigpit ko yung platong nabasag ni Hikaru. Wala paring tigil yung luha ko sa pagtulo.

"Aaah!"

Sa sobrang pag iyak ko di ko namalayan na nasugatan na pala ako dahil sa bubog.

*****

Hikaru's POV.

Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong saktan si Shikina. Ginawa ko yun. Kase ayokong tuluyang mahulog sa kanya.

Pero hindi ko alam na...

Ako rin pala ang masasaktan sa ginagawa ko...

Sa tuwing aalis ako papasok. Nauuna ako sa kanya. Pero pagdating ko sa school. Inaabangan ko sya. Sumisilip ako sa bintana ng classroom namin. Tuwing reces at lunch. sinusundan ko sya at tinitignan kung masustansya ba yung kinakain nya. Pag uwian na. Pinapauna ko na muna sya. At susundan ko pauwi kung umuwi na ba talaga sya.

Pag nakapasok na sya sa loob ng bahay. Aalis nako at dideretso sa bar at duon tatambay hanggang 12:00 ng gabi. Araw-araw kong ginagawa yun. Araw-araw din akong nasasaktan sa pag iwas ko sa kanya.

Pero ako rin pala ang talo..

Kase mas lalo ko lang syang minamahal...

Napahawak nlang ako sa ulo ko at pinikit  yung mata ko at sumandal sa headboard ng kama. Ang sakit. Oo. Masakit na yung ginagawa ko. Pareho kaming nasasaktan. Nakakabakla at sobrang korny ko na. Pero eto ung nararamdaman ko ehh.

Ginagawa ko to. Para hindi ako mahulog sa kanya. Kase alam ko namang wala akong chance sa kanya ehh. Pero sa bawat himig nya na tatawagin yug pangalan ko. Sa bawat pagsigaw nya sakin tuwing nag aasaran kami.

Nakakamiss yun lahat...

Gusto kong bumalik kami sa dati...

Pero mas lalo lang akong mahihirapan.

Pagnalaman kong wala akong pag asa sa kanya...

Oo. Takot akong mabusted...

Napakaduwag ko..

Napakatanga ko..

Gagawin ko to... para rin samin... titiisin ko nalang na masaktan ng ganito.. kesa naman sa kanya pa manggaling na wala syang gusto sakin..

My Pervert Cassanova HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon