WARNING: This story is under the Wattpad next beta program. When you reach the fourth chapter, you're going to need wattpad coins.
However, my other stories are not under the program. Itong Salakay lang po ang kasali.
***
Salakay
Prologue
"She asked kung magkapatid tayo at sinagot ko lang! Gunner, it's not that deep so shut up!" Bulyaw ng dalagang si Blue sa nakatatandang kapatid na nakaupo sa kabilang dulo ng kinauupuan. Dahil nakaupo rin sa pagitan nila ang bunsong kapatid, mas pinili na lamang niyang mapatitig sa bintanang nasa kanyang gilid.
"Matagal ko na siyang pinopormahan! Sa tingin mo sasagutin pa ako nun?!" Bulyaw naman pabalik ni Gunner na gaya ng kapatid ay nakatitig lang din sa bintana.
"Excuse me! Don't blame me whenever someone rejects you! Hindi ko kasalanang matino kung mag-isip ang mga nililigawan mo!" Ganti naman ni Blue sabay ngisi sa mismong direksyon ng kapatid dahilan para lalo pa itong mapasigaw sa inis.
Sa isang iglap ay bigla na lamang huminto ang kotseng sinasakyan dahilan para muntikang tumilapon paharap ang dalawang nagbabangayan. Samantala, ang bunso nilang kapatid ay ni hindi man lamang nagalaw mula sa kinauupuan dahil sa doble nitong seatbelt.
"At Mooky, yan ang dahilan bakit kailangan mo parating mag-seatbelt." Lumingon sa kanila ang nagmamanehong si Landon, ang pinakamatanda sa kanilang apat na magkakapatid. Itinuon nito ang atensyon sa bunsong kapatid na binansagan niyang Mooky. At gaya ng lagi nitong reaksyon, nanatiling nakatitig si Mooky sa kawalan na animo'y may sariling mundong ginagalawan.
Napabuntong-hininga na lamang si Landon at isa-isang pinagmasdan sina Blue at Gunn, "Takpan niyo nga muna ang tenga ni Mooky."
Gamit ang isang kamay, kapwa tinakpan ni Blue at Gunn ang tenga ng bunsong kapatid. Alam na ng dalawa ang nagbabadya kaya naman kapwa na lamang sila nagsititig sa kanya-kanyang gilid at napabuntong-hininga.
"Ano ba kayo?! Hindi ba kayo nagsasawa sa pag-aaway?! Mula pagkabata yan na ang lagi niyong ginagawa! Ikaw Gunn," ibinaling ni Landon ang paningin sa kapatid, "Eh ano naman ngayon kung malaman nilang magkapatid kayo?! Anong masama?! Ikinahihiya mo ba si Blue?! Ikinakahiya mo ba ako?! O Ikinahihiya mo ba ang kundisyon ni Mooky?!"
Nanatiling tahimik si Gunner habang pinangangaralan ng kapatid ngunit nang mabanggit si Mooky, tuluyan itong nag-angat ng tingin at umiling-iling.
"'Yan kasi, daming arte daig pa ang babae." Mahinang pasaring ni Blue dahilan para agad na mapatingin sa kanya si Landon.
"At ikaw naman, pangatlo ka sa ating apat! Hindi lang ako ang dapat mong tawaging Kuya, pati rin si Gunn! Lagi mong tatawaging Kuya si Gunn, hindi porke't isang taon lang ang agwat niyo hindi ka na agad magku-kuya sa kanya!" Pangangaral naman agad ni Landon sa nag-iisang babae sa kanilang apat na magkakapatid.
"Pero siya kasi! Ayaw niyang tawagin ko siyang kuya lalo na sa school!" Pangangatwiran naman agad ni Blue dahilan para agad na mapangiwi si Gunn. Dahil bistado na, walang magawa si Gunn kundi mapatitig na lamang sa sahig bilang pagsuko.
Napabuntong-hininga si Landon at napasulyap sa kanyang relo. Bago pa man niya tuluyang maibalik ang atensyon sa mga kapatid, bigla niyang naramdaman ang kamay ni Mooky na humigit sa manggas ng kanyang suot na Amerikana.
BINABASA MO ANG
Salakay
Mystery / ThrillerIsang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin ma-protektahan lang ang kanyang pamilya?