Chapter 1 : The Kids aren't alright

90.4K 2.9K 2.5K
                                    

Note: This story will absolutely contain violent and mature materials clearly not meant for younger audiences. This story is not meant to glorify murders and violence. Please be advised that an open-mind is needed for this story. Thankss xx

WARNING: This story is under the Wattpad next beta program. When you reach the fourth chapter, you're going to need wattpad coins.

However, my other stories are not under the program. Itong Salakay lang po ang kasali.


CHAPTER 1

The Kids aren't alright

Blue


"It's okay Blue, there's still next year." Coach patted my head with a gentle smile on her face. 10 bullets at ni-isa ay wala man lang akong tinamaang target, it's not okay. Kung hindi ko lang mahal ang pamilya ko, malamang ulo ko na ang binaril ko.

Tinanggal ko na lamang ang protective gear ko at isinabit ang makapal na headphones sa lalagyan. Sa inis, marahas kong naibagsak ang baril sa mesa dahilan para agad akong samaan ng tingin ni Coach.

"Sorry." Bahagya kong ibinaba ang ulo ko pero nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad paalis sa shooting range.

Mula pagkabata sanay na akong matalo at manalo. Nakakadismaya man sa tuwing natatalo ako, hindi parin ako nagiging malungkot noon dahil laging ipinapamukha sa akin ni Kuya Landon na sa huli ay ako parin ang panalo dahil may kuya akong gaya niya. Pero sa pagkakataong 'to, ngayong wala na si kuya.... Kahit na ilang beses man akong manalo, talo parin ako.

Paglabas ko ng arena, nagulat ako nang makitang madilim na ang paligid. Dali-dali kong ipinatong ang paa ko sa pinakamalapit na pedestal na nasa gilid lamang ng kalsada. Ipinatong ko ang backpack sa tuhod ko at dali-daling hinanap ang cellphone ko ngunit bago ko pa man ito tuluyang mahanap, bigla kong narinig ang isang pamilyar na bungisngis.

"Hoy Charlotte, sinasaksak na ba ng bangs mo yang mga mata mo kaya nagsusuot ka na ng safety glasses ngayon?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at isinara ang bag ko. Sa sobrang inis at pagmamadali, nakalimutan ko palang tanggaling ang safety glasses ko.

Mula sa gilid ng mga mata ko, naaninag ko ang isang lalake na nakaupo sa bumper ng isang dilaw na sasakyan. Kahit hindi ko pa tuluyang nakikita ang mukha niya, sigurado akong si Lemuel ito dahil sa lahat ng mga kakilala ko, siya lang ang tumatawag sakin sa totoo kong pangalan.

"What time is it Lame-muel?" Tanong ko na lamang sabay sa kanya, "subukan mong sumagot ng Summer Time at mag-ala High School Musical 2, gagawin kitang target practice." Pagbabanta ko bago paman siya mamilosopo.

Natatawa niyang itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko, kahit pa may hawak siyang smoothie sa magkabila niyang kamay, "6:22pm nang huli kong silipin ang relo ko, 'wag ka ring mag-alala kasi sinundo na sina Mooky at Gunn ng papa niyo."

"He did what?!" Bulalas ko sa sobrang inis. Now this is the icing on my cake of a bad day.

"Hindi ka na nila nasundo kasi hindi ka nila ma-contact. Alam kong andito ka kaya ako nalang ang nag-presintang maghahatid sa'yo pauwi tutal may binili ako sa malapit." Paliwanag agad ni Lemuel sabay baba mula sa bumper ng kanyang sasakyan. Lumapit siya sabay abot ng isa pa niyang smoothie pero umiling na lamang ako't agad na pumasok sa kanyang sasakyan.


***


"Musta ang try-out? Nilampaso mo ba silang lahat?" Tanong ni Lemuel at bahagyang sumulyap sa akin sabay balik ulit ng atensyon sa daang tinatahak namin.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon