Chapter 8 : Everglow

32.7K 1.8K 806
                                    


CHAPTER 8:

EVERGLOW

BLUE



Back when we were just kids, Gunner and I used to be close. We were inseparable. We were the partners in crime who always had each other's back. But then, all of a sudden everything changed. I felt the distance between us growing until it became obvious that he was pushing me away.


For so many years, I felt like he hated me. For so many years, I kept on asking myself how my own brother could hate me. I mean, maybe at some point I have done something wrong because my brother wouldn't hate me for no good reason.


Akala ko sa papel at dugo nalang kami magkapatid ni Gunner. Akala ko wala na talaga siyang pakialam sa akin pero ngayon, heto siya at pilit na hinaharang ang kanyang sarili para lang ma-protektahan ako. Samantalang heto naman ako, nagtatago sa kanyang likuran, umiiyak at takot na takot.


"K-kuya..." Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling tinawag na Kuya.


Bahagya siyang lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya pero sa kabila nito ay hindi niya ibinababa ang kanyang kamay na tumatakip sa akin. Kahit takot na takot siya, gusto niya parin akong protektahan. Siguro nga mali ako... Maybe he didn't hate me.


Maybe Gunner doesn't really hate me. Maybe Mom was right when she told me that no matter how much siblings fight, they will always love and care for each other. A family's bond is always the strongest.


"Don't be scared." Biglang sambit ni Gunner habang kapwa kami nakatitig sa isa't-isa kaya kahit patuloy parin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko, ngumiti ako at tumango-tango.


"Kayong dalawa, itaas niyo nga yang mga kamay niyo at dumapa kayo!" Biglang nagsimulang humakbang ang mga armadong lalake papalapit sa amin. Apat sila at pawing armado, ano pa ba ang magiging laban naming ng kapatid ko?


Sa unang pagkakataon pagkatapos ng napakatagal na panahon, bigla akong niyakap ni Gunner ng napakahigpit kaya kahit ako ay napayakap rin sa kanya.


"Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko," Bulong ni Gunner sa akin dahilan para lalo pa akong mapaiyak.

"B-blue, Blue don't be scared." Bakas sa nanginginig niyang boses na takot na takot narin siya pero alam kong pilit siyang nagpapakatatag kesa akin.


"Hoy kayo, mamaya na ang pag-iinarte! Gawin niyo ang sinasabi namin!" Narinig kong sambit ng isa sa mga lalake pero imbes na pakinggan siya, lalo lamang humigpit ang yakap namin sa isa't-isa.


"Aba't gusto pa yatang mamatay nang magkayakap ang dalawang 'to!" Natatawang sambit ng isa sa mga lalake. Naaamoy ko ang sigarilyo ng isa sa kanila kaya alam kong papalapit sila ng papalapit sa amin.


"We're going to die, but we're not going to die scared okay?" Bulong muli sa akin ni Gunner kaya tumango-tango ako at ibinaon ang mukha ko sa kanyang balikat.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon