Chapter 10 : Death Valley

31K 1.8K 633
                                    


Chapter 10:

Death Valley

THIRD PERSON'S POV


Dali-daling ikinulong ni Blue ang kanyang sarili sa loob ng banyo at marahas na pinihit ang siradura ng shower dahilan para bumuhos sa kanya ang napakalakas na agos ng tubig. Sa sobrang pagmamadali, ni hindi man nagawang matanggal ni Blue ang natitirang sapin sa kanyang katawan.


Pilit na tinatakpan ni Blue ang kanyang bibig habang umiiyak. Hindi niya mapigilan ang sariling humagulgol kaya naman tinatakpan na lamang niya ang kanyang bibig upang 'wag siyang marinig ng kanyang kapatid.


Hindi alintana ni Blue ang sakit at hapdi na dulot ng pagkabasa ng kanyang mga sugat. Nilakasan niya pa lalo ang agos ng tubig at kinuskos ang kanyang mga balat na para bang aligagang-aligagang matanggal ang bahid ng mga dugo at halik na iniwan ni Frank sa kanyang balat.


Walang kamalay-malay si Blue na nasa labas lamang ng pinto si Gunner, at kahit anong gawin niyang pigil sa kanyang iyak, rinig na rinig parin siya ng kanyang kapatid na lubos ang pagdadalamhati dahil sa kanilang sinapi.


"Blue... Blue patawarin mo ako, hindi kita na-protektahan." Mula sa labas ng pinto, narinig ni Blue ang boses ng kapatid, dahilan para mas lalo pang mapaiyak ang dalaga.


"I-I'm okay!" Paulit-ulit na napahikbi si Blue.


"B-blue... Blue anong ginawa niya sa'yo?" Nanlulumong tanong ni Gunner.


Lalo mang naluha dahil sa narinig, pilit na tinatagan ni Blue ang kanyang sarili, "Hindi umabot doon! It's not what you think! I'm okay, please believe me!"


Imbes na mapalagay dahil sa sinabi ng kapatid, hindi parin napigilan ni Gunner na maluha, "Blue... Blue alam ko ang kombinasyon sa vault... Hindi ko sinabi kasi alam kong papatayin parin nila tayo oras na sabihin ko."


Tumango-tango ang luhaang si Blue, "Alam ko 'yon."


Makalipas ang ilang sandali, tuluyang lumabas si Blue mula sa banyo habang ballot ng twalya. Namamaga man ang mata sa kaiiyak, taas-noo ang dalaga at wala nang kaemo-emosyong nababasa sa kanyang mukha.


"Blue..." Hindi parin matigil si Gunner sa pag-aalala.


"You should get the guns from the vault. They could come back anytime," Walang kaemo-emosyong sambit ni Blue sabay punas ng natitirang luha sa kanyang pisngi.


Huminga ng malalim si Gunner at tumango-tango. Ngayong nakikita niyang malakas parin ang kalooban ng kanyang nakababatang kapatid matapos ang mga nangyari, lalo rin siyang naging mas matatag, "Babawiin natin si Mooky."


Bago pa man tuluyang makaalis ni Gunner, muling nagsalita si Blue, "Kuya, kailangan ko ang packaging tape na nasa office ni Daddy."


***


Matapos pindutin ang kombinasyon ng mga numero, tagumpay na nabuksan ni Gunner ang vault dahilan para agad tumambad sa kanya ang mga hunting rifle, baril at mga bala na pagmamay-ari ng kanyang ama. Dali-dali itong kinuha ni Gunner, kasama narin ang packaging tape na hinihingi ng kapatid.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon