3.
DESOLATION ROW
BLUE
"Yey! You came!" Bati agad sa amin ni Daisy nang marating namin ang basement ng clubhouse na ngayo'y nalulunod na sa neon lights, malakas na musika at amoy ng alak.
"Oh my God! Your hair!" Hindi na naitago pa ni April ang gulat dahil kung kaninang umaga ay may violet highlights pa ang buhok ni Daisy, ngayon ay purong kulay itim na lamang ito. Kung hindi dahil sa boses at maganda niyang ngiti, muntik na nga namin siya hindi makilala.
"I know but it's all worth it. I hired a proxy to pretend as me at my Dad's party just so I could be here. This disguise is part of the process." Pagmamalaki ni Daisy sabay turo sa mahaba niyang buhok na ibang-iba na ang kulay at anyo ngayon.
"Pretty and smart, jeez you're such my girl crush." Biro ko na lamang.
"Let's go get you girls some drinks!" Anyaya ni Daisy at hinila kaming dalawa ni April papunta sa direksyon ng table kung saan naroroon ang drinks at snacks.
"Nga pala, paano nakarating ang iba mong bisita nang hindi nalalaman ng security?" Hindi ko na napigilan pang magtanong.
"Some of the people I invited lives on this subdivision too while some had to ride inside a van I hired para lang ma-smuggle sila papasok dito ng sikreto." Pagmamalaking muli ni Daisy bagay na lalo pa naming kinahangaan sa kanya.
****
Imbes na makihalubilo sa iba, mas pinili ko na lamang na maupo sa isang tabi at maglaro sa cellphone. Ewan ko ba, hindi ko lang talaga hilig.
Akmang iinom na sana ako sa maliit na bote ng alak pero laking gulat ko nang may umagaw nito sa akin—Si Lemuel. Naupo siya sa tabi ko at siya na mismo ang uminom nito.
"Jeez! Get your own drink!" Pasaring ko sa kanya kaya matapos siyang uminom ay ibinalik na niya sakin ang bote ng alak.
"May virus mo na 'yan, no thank you." Sarcastic kong tugon kaya uminom na lamang siya ulit.
Pinunasan niya ang labi gamit ang kamao at muling napatingin sa akin, "Anong ginagawa mo dito?"
"I should ask you that Lame-muel, I live on this subdivision while you don't." Muli, sarcastic kong sagot.
"Alam ba ni Gunner na nandito ka?" Maotoridad niyang tanong kaya ako naman ang natawa. Lokong 'to, ano bang problema nito at napaka-seryoso ng kilos? Hindi bagay sa kanya kaya ang weird tingnan.
"Ba't ka tumatawa?!" Kunot-noo niyang sambit na para bang isang batang naiinis.
"Because you look like an idiot." Pag-amin ko pero bago pa man siya makapag-react, biglang tumunog ang cellphone niya na agad naman niyang sinagot.
Sa sobrang lakas ng boses ni Lemuel, rinig na rinig ko ang bawat usapan nila ni Gunner. Grabe, ano bang nakain ng ulol kong kapatid at pumayag siyang samahan si Daddy sa Dinner Party?
Nang matapos ang pag-uusap nila, bumalik si Lemuel sa tabi ko at agad ko siyang sinamaan ng tingin, "You really had to tell him about this party?"
"'Wag kang mag-alala, hindi ko naman sinabi na andito ka at hindi ko sasabihin kung uuwi ka na sa inyo matapos makaalis ni Gunn." Maotoridad na sambit ni Lemuel kaya napakunot na lamang ako ng noo.
"Yung totoo? Sino ba ang kuya ko? Ikaw o si Gunn?" Biro ko pero binigyan niya lamang ako ng isang matalim na tingin.
"Kuya!" Pagbibiro kong muli sabay kapit sa braso niya pero lalo lamang niya akong sinamaan ng tingin. Ginantihan ko siya ng matalim na tingin pero di gaya niya, nanatili akong nakangisi.
BINABASA MO ANG
Salakay
Mystery / ThrillerIsang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin ma-protektahan lang ang kanyang pamilya?