Chapter 6 : Problem Child

39.2K 1.9K 588
                                    

Yes guys, i've been using song titles for chapter titles :) Also if you havent, check out the song above. Its a recomm nyahahaha


CHAPTER 6

PROBLEM CHILD

THIRD PERSON'S POV


"Pucha." Bumaba si Gunner mula sa kanyang sasakyan at mabilis na naglakad patungo sa malaking pinto. Naaninag niya ang isang may edad na babaeng pormal ang pananamit habang hawak ang isang papel na animo'y isang listahan, nakatayo ito sa gilid ng pinto na animo'y nagbabantay.


"Good evening Mr. Lancelot Burton, your Father's already inside. Here's the arrangement." Hindi maiwasan ni Gunner na mapangiwi sa naging pagbati sa kanya ng babae. Sa kabila nito, pinagpagan na lamang niya ang kanyang balikat at asiwang pinaluwagan ang kanyang kwelyo na animo'y nasasakal na na siya nito.


"It's okay young man. Nothing to be scared about." Sambit ng babae saka inabot ang isang maliit at kulay puting card.


"Ako? Takot? Psh!" Pasinghal na pangangatwiran ni Gunner at taas-noong binuksan ang pinto dahilan para bumungad sa kanya ang musikang nagmumula sa violin at mga panauhing nasa kani-kanilang mga mesa habang nag-uusap.


"Pucha," bulong ni Gunner sa sarili nang makita ang mga panauhin sa kani-kanilang magagarang kasuotan at pormal na kilos. Hindi maipagkakailang para nga sa mga mararangya ang kanyang dinaluhan.


"Have fun young man," sambit ng babae at agad na sinarado ang pinto dahilan para mapabuntong-hininga na lamang si Gunner na animo'y abot-langit na ang paninibago at kaba sa kanyang nadatnan.


"Pucha," bulong muli ni Gunner at naglakad na lamang habang pinagmamasdan ang piraso ng papel na inabot sa kanya ng babae. Pilit na binasa ni Gunner ang nakasulat dito ngunit hirap siya dahil naka-dim ang mga ilaw sa kanyang paligid; Mayroong mga ilaw na malalakas ang liwanag, ngunit nakasentro naman ito sa stage kung saan naroroon ang mga musikerong tumutugtog ng klasikong mga awitin.


Sinikap ni Gunner na hanapin ang mesang kinaroroonan ng kanyang ama sa malawak na function hall ngunit sadyang hirap siya dahil narin sa kakulangan ng ilaw sa paligid. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa mga waiter at iba pang mga panauhin ngunit sadyang abala ang mga ito sa kani-kanilang mga ginagawa.


"Fucking rich people can't even pay a fucking attention." Napamura na lamang si Gunner sa inis.


"Great pun, Gunner!" Bigla na lamang may tumapik sa kanyang balikat dahilan para agad siyang mapalingon sa kanyang likuran.


"Daisy?" Gulat na sambit ni Gunner nang makita niya ang mukha nang dalaga sa kanyang likuran. Suot ang isang magarang ball gown at maliit na tiara sa kanyang kulay violet na buhok, kumurba ang isang ngisi sa mukha ng dalaga.


"Are you lost?" Tanong pa ng dalaga.


"Pucha ayoko na dito, uuwi nalang ako," Inis na pagsuko ni Gunner dahilan para tuluyang mapahagikgik ang dalaga.


SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon