CHAPTER 5
TRADE MISTAKES
BLUE'S POV
Parang nalulunod ang kamalayan ko sa walang humpay na palahaw ni Sara; Umiiyak siya't nagmamakaawa para sa kanyang buhay. Oo nga't kinamumuhian ko si Sara dahil sa kinahinatnan ng pamilya namin, gustong-gusto kong makaganti sa kanya pero iba na ang nararamdaman ko ngayon... natatakot ako para sa maaaring mangyari sa kanya lalo pa't dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang isang walang muwang na sanggol—ang magiging kapatid ko.
"Kaloy! Kaloy! Diba ito yung babae sa cafeteria kanina?"
Pinangunahan ako ng gulat at napadilat ako. Dahil malapit lang ako sa siwang ng aparador ay dahan-dahan akong sumilip dito.
Nakitako si Sara na nakaupo sa sahig habang patuloy parin ang pagmamakaawa sa lalakeng nakatayo sa kanyang harapan. Tinatagan ko nalamang ang sarili ko at nilipat ang paningin kay Kaloy na naglalakad patungo sa isa niya pang kasamahang kasalukuyang nakaharap sa picture frame na nakahilera sa mesa ni Daddy.
"'Wag mo nang pakialaman yan Frank, bilisan na natin nang matapos na 'to." Narinig kong sambit ni Kaloy saka hinubad ang isang backpack mula sa kanyang likod. Ipinatong ito ni Kaloy sa mesa at binuksan na para bang may hinahanap.
"Teka? 'Wag mong sabihing may gusto ka sa babaeng 'to?" Suminghal ang lalake, tumawa't umiling-iling. " Pagsinuswerte ka nga naman oh! Magandang pagkakataon 'tong makaiskor tutal wala ka naman talagang pag-asa sa kanya!" Tinanggal ng lalake ang suot niyang cap, pamilyar ang logo nito lalo pa't para itong sa isang gas station. Sumunod siya kay Kaloy at nakita kong may binunot siya mula sa bag—isang baril.
Naalala ko na siya... kaya pamilyar ang boses na mga naririnig ko dahil pagmamay-arii to ng mga lalakeng kasama ni Kaloy kanina sa cafeteria.
Bwisit! Sigurado akong hindi sila ang mga gumahasa kay Daisy kaya ibig sabihin nito, anim silang mga sumalakay ditto sa subdivision. Shit! Paano kung marami pa sila?! Shit! Shit!
"Please! Please if it's money you want, you can take everything we have!"muling pagmamakawa ni Sara pero tumawa lamang ang lalakeng nakatayo sa kanyang harapan. Kung tama ang pagkaka alala ko, siya si Charlie.
"Sensya na buntis, wala talaga 'tong personalan." Sambit ni Charlie saka lumingon kay Frank na animo'y hinihingi ang baril.
Isang nakabibinging putok ang biglang umalingawngaw. Parang namanhid ang pakiramdam ko't narinig ko na lamang ang isang matinis na tunog na lumiligaw sa kamalayan ko. Gulat na gulat man, ibinalik ko ang paningin kay Sara. Wala akong magawa kundi mapatulala nang makitang nakahandusay na siya sa sahig at hindi na gumagalaw pa.
Unti-unting nagging malinaw ang pandinig ko hanggang sa tuluyang rumehistro sa kamalayan ko ang napakalakas na tawa ni Frank dahil sa gulat na gulat na reaksyon ni Charlie dulot ng putok na umalingawngaw.
"Tangina kang gago ka!" Sigaw ni Charlie habang tinatakpan ang kanyang tenga.
BINABASA MO ANG
Salakay
Mystery / ThrillerIsang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin ma-protektahan lang ang kanyang pamilya?