Chapter 9 : Blasphemy

33.6K 1.8K 1.9K
                                    


Note: Again, this story could contain mature/gruesome scenes and themes. It is important to know that the scenes in this chapter could be very disturbing for younger audiences or for the faint of heart


Chapter 9:

Blasphemy

THIRD PERSON'S POV


Marahas bumagsak si Blue sa tabi ng aparador kung saan nakatago ang vault ng kanyang ama. Dala ng labis na pagdadalamhati sa kamatayan ng kanyang ama, ni hindi nito namalayang ibinalik sila ng mga salarin sa kanilang tahanan.


"Blue!" Napasigaw si Gunner at pilit na nagpumiglas. Gusto niyang lapitan ang kapatid na nasa kabilang dulo ng silid ngunit marahas ang pagkakahawak sa kanya ng salarin.


"Ano bang naging kasalanan namin sa inyo?!" Buong lakas na napasigaw ang luhaang si Gunner habang pilit na nagpupumiglas. Nahinto lamang siya sa pagpupumiglas nang biglang tinutukan si Blue ng baril, ng isa sa mga ito.


Nilibot ni Gunner ang kanyang paningin. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng pitong mga armadong lalake at labis siyang nagulat nang makita si Kaloy pintuan.


"Kasali ka rin sa kanilang hayop ka?! Pagkatapos ng kabaitang pinakita sayo ng mga kapatid ko?!" Pagwawala ni Gunner dahilan para agad siyang tadyakan ng lalakeng may peklat sa kanyang mukha.


"Don't hurt him!" Tila ba bumalik sa kasalukuyan ang atensyon ni Blue nang makitang sinaktan ang kanyang kapatid. Sinubukan niyang lapitan si Gunner ngunit marahas uli siyang tinulak ng isa sa mga lalake patungo sa sahig.


"Blue!" Nagdurugo man ang mukha dahil sa natanggap na tadyak, ang kapatid parin ang inaalala ni Gunner.


Lumapit kay Gunner ang lalakeng may peklat sa mukha. Naupo ito sa tabi ng binata at ngumisi, "Ako nga pala si Pablo, sabihin na nating ako ang namumuno sa operasyong 'to. Ayaw mong masaktan diba? Sabihin mo lang sa akin ano ang kombinasyon ng vault at papakawalan namin kayo."


Dahil sa sinabi ni Pablo, otomatikong napatingin si Gunner sa direksyon ng luhaang si Blue. Kapwa nagtitigan ang magkapatid, kapwa takot at labis ang pagkabahala.


"Ano ang kombinasyon, bata?" Tanong muli ni Pablo pero nanatili lamang na nakatitig si Gunner sa direksyon ni Blue.


"Ang sabi ko, ano ang kombinasyon?!" Tuluyang napasigaw si Pablo at sa pagkakataong ito'y muli niyang tinadyakan si Gunner.


"Tell him..." Pabulong na sambit ng lumuluhang si Blue habang nakatingin sa direksyon ni Gunner, pero kahit namimilipit na sa sakit, nanatili lamang na nakatitig si Gunner sa kanya.


"Ayaw mong ibigay ha?!" Muli, paulit-ulit na tinadyakan ni Pablo ang sikmura ni Gunner. Kahit na duguan at namimilipit na ito sasakit, nanatili parin itong tahimik bagay na lalo pang ikinainis ni Pablo.


Panay ang pagmamakaawa at pagwawala ni Blue habang pinapanood ang bawat pagsuntok at pagtadyak ng mga kalalakihan kay Gunner. Duguan man at tadtad na ng sugat, nanatili lamang na tahimik si Gunner, ni hindi tumitingin kay Pablo o sa mga kasama nito.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon