Chapter 4 : I'm not okay

54.1K 2.2K 838
                                    


Big thanks for those who have been patiently waiting :) Haven't been able to update for a few months due to very hectic sched. Nga pala, a little reminder that this story could contain mature/gruesome scenes and themes. It is important to know that the scenes in this chapter could be very disturbing for younger audiences or for the faint of heart. If not used to mature scenes and themes, please consider skipping or just read other stories hehehe :)


Again, thank you for waiting and lets pick up where we left off :)



4.

I'm not okay

Third Person's POV


Armado ng isang patalim na may bahid pa ng dugong mula sa nakaraang mga biktima, dali-daling inakyat ng lalake ang hagdan. Gaya ng kanyang mga kasamahang lumapastangan kay Daisy, siya ay nasa higit trenta anyos na at nakasuot rin ng uniporme ng isang guwardya.


Bago pa man niya marating ang pangalawang palapag, biglang umalingawngaw ang ingay na animo'y gawa ng salaming binasag.


"Bwisit!"Dali-daling sinundan ng lalake ang pinanggalingan ng ingay.Nagtatakbo siya at inisa-isa ang mga silid, hinalughog ang bawat ilalim ng kama at lugar na pwedeng mapagtaguan. Mabilis ang lalaki sa kanyang bawat kilos hanggang sa marating niya ang isang kwarto kung saan naroroon ang bangkay ng mag-inang kanilang pinatay.


Agad napansin ng lalake ang wasak nang salamin ng bintana. Dumako ang kanyang paningin sa sahig at nakita ang mga bakas ng sapatos ni Blue na nakapag-iwan pa ng bahid ng dugong naapakan mula sa sahig.Ang mga bahid ng dugo ay deretso sa direksyon ng bintana, mayroon ding bahid ng dugo sa gilid ng bintanang nagpapatunay na lumabas nga si Blue mula rito.


Dali-daling nagtatakbo ang lalake patungo sa direksyon ng bintanang ngayo'y basag na, dumungaw siya mula rito at nakita ang isang piraso ng sapatos sa daan na animo'y naiwan ni Blue dahil sa labis na pagmamadali.


"Tumalon siya mula sa bintana!"Sigaw ng lalaki dahil sa napagtanto. Tarantang nagtatakbo ang lalake palabas ng silid upang masabihan ang mga kasamahan at mahabol ang dalaga bago pa man nito masira ang gabing matagal na nilang pinaghandaan.


Lingid sa kaalaman ng lalake; napasinghap si Blue kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Pinagpapawisan man sa sobrang init, pilit na tinatakpan ni Blue ang kanyang bibig gamit ang nanginginig na mga kamay upang hindi makagawa ng ingay habang nagtatago sa ilalim ng kama.


"Tingnan mo sa taas! Baka may kasama 'to!"


Labis man ang takot na naramdaman ni Blue dahil sa narinig. Sumagi sa kanyang isipan si Mooky kaya taranta niyang inilibot ang paningin sa paligid. Dala ng taranta at kagustuhang makaligtas, biglang nabuo ang isang plano sa kanyang isipan.


Dali-dali niyang pinatay ang hawak na tablet. Lumapit siya sa isa sa mga bangkay upang sadyang maapakan ang dumanak na dugo sa sahig at walang pag-aalinlangang pinahid ang kamay sa duguang bangkay. Nagmamadali niyang pinulot ang nakitang upuan at nagtatakbo patungo sa direksyon ng bintana. Tinanggal niya muna ang dalawang sapatos, sumunod ay ang pikit-mata at buong lakas niyang paghampas ng upuan sa bintana dahilan para agad itong mabasag.

SalakayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon