2.
Young Volcanoes
Blue
"But what if he's just covering for the real Gurami? I mean it's possible na baka absent lang yung tao at kinailangan niya ng proxy to replace him for a short amount of time. It's kind of unethical but a friend of mine did it one time." Pagbabahagi ni April ng sarili niyang teyorya matapos kong maikwento sa kanya ang nangyari kinaumagahan. Habang nagsasalita, patuloy lamang siya sa pagsusuklay sa mahaba kong buhok.
Dahil free period, andito lamang kami ni April sa library. Wala masyadong tao kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon upang magpaayos ng buhok sa kanya.
"But what if it's something more sinister than that? What if he's some burglar who stole the guard's uniform?" Giit ko habang nakatalikod mula kay April at hinahayaan siyang suklayin ang buhok ko't ayusin ito sa ano mang maisip niya. Medyo Kikay si April, mahilig mag-ayos kaya lagi kong ibinibigay sa kanya ang kapalaran ng buhok ko.
"But what if the Gurami you met last night was the burglar?" Ganti naman ni April.
Napairap na lamang ako. "Now this is going nowhere. We're just exchanging what ifs."
"Bluey, sobrang dami rin naman kasi ng possibilities. Sana sinabi mo nalang sa Daddy mo o sa kuya Gunner mo nang maaksyunan at magkaalaman." Sarkastikong sambit ni April kaya napabuntong-hininga na lamang ako at bahagya siyang nilingon.
"We are talking about Dad and Gunner, the two people I dislike the most in this world. Why would I even bother starting a conversation with them?" Sarkastiko kong tugon pabalik sabay ngiwi. The thought of just talking to my Dad and so-called older brother is enough to make me cringe.
Napakamot si April sa buhok niyang daig pa ang ruler sa sobrang tuwid at pinaharap na lamang ulit ako sa kawalan upang maipagpatuloy ang pag-aayos sa buhok ko.
"Bluey, ba't yung mga bitches na classmate natin noong highschool, natagalan mo at di mo man lang pinatulan kahit sa mga pagkakataong naiinsulto ka na nila pero pagdating daddy at kuya mo, all out beastmode ka agad? Diba dapat mas nice ka sa family mo kasi kahit di sila perfect, sila ang pinaka may pake sayo." April seemed careful with her words, trying her best not to offend me.
"Nag-all out beastmode kaya ako sa kerida ni Daddy. That whore is no family plus higit siyang mas impakta sa mga bitches noong high school. Annoying yung bitches sa school but somehow, hindi nila ako napa-beast mode kasi alam kong sa huli ay stupid losers lamang sila na nags-spread ng hate at wala naman talaga akong pake sa existence nila. Pero pagdating sa mga nanakit sa pamilya ko, may pake ako kasi pamilya ko na ang involved. Harm my family and I'll unleash the beast inside me." Giit ko agad.
Napabuntong-hininga si April na para bang nahihirapang maghanap ng tamang salita, "Blue, I'm talking about Gunner and your Dad. Be nice to them. They're your family so treat them like family even when they disappoint you. Let's be real, kung nasa bingit tayo ng kamatayan, ako pa mismo ang mag-aalay sa'yo kay kamatayan para lang masalba ang sarili ko. Pero kung ang pamilya mo ang mamimili, tiyak kahit kamatayan handa nilang tanggapin para lang mabuhay ka."
"Now that's just cheesy!" Napahalakhak na lamang ako, "Well okay, I'm pretty sure Mom and Kuya Landon would sacrifice themselves for me, but Gunner and Dad?" I can't help but to laugh harder.
Napabuntong-hininga si April na para bang sumuko na.
"Hay, nevermind na nga lang. Hindi na kita pag-aaksayahan ng words of wisdom ko kasi kahit na anong sabihin ko wala na akong magagawa para baguhin ang nasa isip mo. Maari kang tumango o sumang-ayon pero sa huli, kung anong gusto mong isipin yun ang iisipin mo; kung ano ang gusto mong maramdaman, yun ang mararamdaman mo; kung ano ang gusto mong makita, yun ang makikita mo. Everything's a matter of mindset. But Girl, please, please appreciate your family kahit may mga nagawa silang mali." Paliwanag ni April kaya tumango-tango na lamang ako upang matapos na.
BINABASA MO ANG
Salakay
Mystery / ThrillerIsang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin ma-protektahan lang ang kanyang pamilya?