EPILOGUE
BLUE'S POV
1 month later...
"I'm Charlotte Burton," Nakangiti kong sambit sabay abot sa Jail Guard ng ID ko.
Sa utos narin ng jail guard, Itinaas ko ang aking mga kamay at hinayaan siyang kapkapan ako. Hindi ko lubos matanggal ang ngiti mula sa mukha ko, hindi dahil masaya ako, kundi dahil ilang hakbang nalang ako mula sa taong sumira sa pamilya ko.
Mabilis na lumipas ang isang buwan matapos ang mga nangyari ngunit hindi ko parin makalimutan ang lahat. Para sa akin, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwang-sariwa pa ang lahat ng sakit na dinulot niya sa akin at sa pamilya ko at hindi ako matatahimik hanggang sa hindi ko siya makitang mawasak sa mismong harapan ko.
Pero sa kabila ng lahat, siguro maswerte parin kami at may mga natira pang buhay mula sa pagsalakay ng grupo nila Pablo sa Bridgedelle subdivision. It turns out, may mga tao rin palang gaya naming nakaligtas nang gabing 'yon; ang iba sa kanila ay nagawang nagtago, ang iba'y nagawang lumaban.
Mali ang gumanti, alam ko iyon. Pero may mga bagay na sadyang hindi ko kayang palampasin. Sasaktan ko siya at wawasakin sa sarili kong paraan. Sa araw nato, ako ang magiging dahilan nang pagkamatay niya, gaya ng pagdudulot niya sa kamatayan ng kapatid at ama ko.
"Ma'am hindi naman sa nakikialam pero ba't mo ba gustong makausap si Mr. Bridge? Diba kaya siya nakakulong dahil siya yung mastermind sa nangyaring pagsalakay sa tinitirhan niyong subdivision?" Tanong ng guwardya habang inihahatid ako sa direksyon ng kwardto kung saan niya ako hinihintay.
"Nagtrabaho ang kapatid ko sa kompanya niya kaya may gusto akong itanong tungkol sa mga papeles na nahanap ko." Pagsisinungaling ko sabay turo sa tablet na hawak ko.
"Baka mamaya bigla mo siyang patayin gamit ang tablet mong 'yan ah?" Biro niya kaya natawa na lamang ako. Kahit papaano, may punto rin naman siya.
Ilang sandali pa ay tuluyan naming narating ang isang pinto. Bago ito binuksan ng guwardya, napahinga ako ng malalim upang makapag-ipon ng lakas. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko kaya naman kinuyom ko agad ito.
Tuluyang binuksan ng guwardya ang pinto at tumambad sa akin ang isang maliit na silid na may mga salamin bilang bintana. Sa gitna nito ay isang mesa kung saan nakaupo si Mr. Bridge habang nakatalikod mula sa amin.
"May bisita ka tanda!" Sigaw ng guwardya kaya naman agad akong nagpamalas ng ngisi habang taas-noo.
"Pauwiin mo siya," Aroganteng sambit ni Mr. Bridge nang hindi man lang lumilingon sa akin. Nakaupo siya habang nakaposas ang kanyang mga kamay sa likuran pero sa kabila nito, nagagawa niya paring umastang makapangyarihan.
Sinenyasan ko ang gwardya na lumabas muna at iwan muna kami ng pansamantala, mabuti nalang at sinunod niya naman ako. Nang kaming dalawa na lamang ni Mr. Bridge ang nasa silid, lumapit ako sa kanya at naupo sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
Salakay
Mystery / ThrillerIsang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin ma-protektahan lang ang kanyang pamilya?