MKung may natutunan man ako sa States, yun ay walang translation ang kilig.
Kulit meron. Annoying, naughty, and many others. Di ako dictionary no.
Matagal ko naman nang tanggap na makulit ako. Bata palang ako ganun na talaga. Malikot, active.
Hanggang sa panliligaw nadala ko yunh kulit ko eh. Tanong niyo pa sa mga naging ex ko. Kinulit ko sila ng kinulit. Yung kulit na sweet ah.
Padala ng letter dito, mahahabang messages diyan. Phonecall harana doon, hatid sundo diyan. Libre ng pagkain okaya sine.
Syempre kahit ano, para sa taong nililigawan ko.
Ibang usapan to ngayon.
Ibang usapan na pag siya ang nagsabi ng No. Hindi mo alam kung dapat bang sundin mo or baliktarin mo. Mahirap intindihin kase ayaw mong magkamali. Pagdating sakanya dapat laging pinagiisipan ang mga galaw. Isang mali mo lang, mawawala na lahat.
Ibang usapan pag si Janella.
Ibang usapan pag mahal mo na.
"No." Pero nakaiwas siya ng tingin sakin. Kanina pa ko, sinusubukan kong magtagpo mga mata namin. Pero ayaw niya, ayaw niya kong tignan.
Uy, wag ka namang ganyan.
Bakit, may mali ba sa ginagawa niya? Buti nga nakikipag-usap pa siya sayo diba? Buti pinapansin ka pa. Buti pumunta pa siya sa show mo. Bakit ba sobra kang makaexpect dyan eh wala ka namang ibibigay sakanya?
Iniwan mo siya diba? INIWAN. MO. SIYA. Ikaw, ikaw yung umalis at pumutol ng kahit ano pang koneksyon niyo.
Pero kung di ko siya iniwan noon-
"Lahat kase to dahil dun sa pagkikita natin sa airport eh. Hay." Narinig ko nanaman ang napakaganda niyang boses. Sa totoo lang ha, noon pa man, natitigilan na talaga ko pag naririnig ko siyang magsalita. Paano pa pag kumanta na?
"Do you regret it? I mean nagsisisi ka bang nagkayakapan tayo?"
Me? NO. Never. Alam mo ba why?
"Nagsisisi akong may picture. Hindi ko alam kung alam mo kung ano na ko ngayon dito sa pinas. Kaya nga nakaleave ako ngayon. Hindi lang naman ikaw nag nagbago Marlo, ako rin. Ayoko na actually. Pahuhupain lang yung issues, tas one last project, wala na. Alis na ko."
"Well, this is my last too. Actually it was the one I told them to hold because I left."
"Nang-iwan ka pa kase."
Come on Jea, give me a sign. Kukulitin kita ng kukulitin para lang bumalik tayo. Nasaktan ka nung umalis ako Jea, I can feel that. Give me that one shot, we'll make this work. Please.
"Oh, payag ba tayo?"
"May tayo ba?" It sounded harsh, pero just a hint of approval Jea. That's all I need.
"Oo nga no. Walang tayo. So anong gusto mo?"
Mas masakit pag galing sakanya no?
"Na merong tayo. Yun ang gusto ko."
"So gusto mo nanaman masusunod. NO. Ganyan ka eh, magaling parin sa mga salita. At audience parin ang hanap mo. Fine, I'll go against every decision of yours."
"So kapag pinili ko pala yung di ko gusto para masunod talaga yung gusto ko ..."
"Duwag ka. You're a cheater and a coward."
"Can we talk about this without any feelings? We ought not to hurt each other more."
She had the never to laugh. A bitter one. As if she was mocking me. Gago ka kase, ikaw pa talaga magsasabi ng ganun eh no?
"Nawawala ba yun Marlo? Ganun ba ginawa mo dati kaya ang dali lang sayong iwan ako?"
"This isn't about us." I tried not to shout. I tried to make my point known without raising my voice.
"IT IS!"
Masakit masampal ng katotohanan lalo na at siya mismo ang sasampal sayo.
Tama naman kase siya eh. Kailan ba naging mali ang isang Janella Salvador? Dapat di ko siya iniwan. Hay Marlo, ang laki mong hunghang.
Dapat di ka nalang umalis. Dapat hindi ka pumayag na ipartner siya sa iba. Dapat ipinaglaban mo siya. Tignan mo nangyari. Galit siya sayo. Ni hindi mo nga mayakap kahit na patuloy ang pagluha niya. Kasalanan mo to. Kasalanan mo tong lahat.
wala ka talagang kwenta
"MARLO!"
YOU ARE READING
Ours
FanfictionChoosing to love him, with all that he has done, wasn't part of her plan. Choosing to hurt her, with all that she means to him, wasn't his either. That was before. Now, choosing to love or hurt each other, the decision is theirs.