kasali

83 6 0
                                    


M

I wasn't late.

Dumating ako sa unit niya ng 1:45pm. Odiba, punctual. Naks.

Pero late kami sa kasal. Hayup na traffic yan mas mabagal pa sa pagong. May nagbanggan pa kase sa may harap eh hindi naman kami makalabas, baka dumugin nanaman kami.

Sa reception nalang kami umabot.

And I feel so out of place.

.
.
.

Wait, let me explain. Okay naman yung fit ng barong. Bagay nga sakin eh. Tsaka sakto nga namang Barong Tagalog ang suot ko, anak to ni FrancisM syempre kababayan.

Di rin sa music ah, maganda ang choice ng music nila. Dinner muna, so upbeat yung tugtog. Lively.

Hindi naman dahil sa wala akong kakilala, syempre kasama ko si Janella oh. Tsaka from both networks ang artistang guests.

Ay wait. Yun nga ata yung rason.

You see, I know these people. Kilala ko sa pangalan at mukha yung mga artistang umattend. Nakasalamuha ko narin most of them. I was friends with some, lalo na from the same network as I was.

Keyword: WAS

I think now I  realize why she brought me here. To show what I missed. To show what her life was after me.

Ipinapamukha niya sakin yung iniwan ko. Aba *****na.

If love was a coin, then I'm seeing both sides now I guess. Both faces.

Head. Janine, the personification of Aphrodite. Noon pa man maganda na siya syempre. Pero iba yung ngayon, iba tong ganda niya ngayon. Sa bawat pag ngiti niya, sa bawat tawa niya sa binubulong ng asawa niya. Ramdam mo yung pagibig.

Tail. Janella, kahit gaano pa siya kaganda ngayon. Her perfectly winged eyebrows in complete contrast with the loneliness I see in her eyes. Maganda siya, yes. Bulag lang ang magsasabing hindi. In fact, she looked blooming. Sasabihin mong in love siya.

Pero may kulang. She's smiling but it doesn't reach her eyes. The ways she walks, ever so gracefully. But no, she doesn't have a spring in her step, her shoulders slump as if defeated.

Maganda siya, pero di siya masaya. Umiibig siya, pero ito yung tipo ng pagibig na nakakasira ng mundo. Yung nagmamahal parin kahit hindi na dapat. Kase nasaktan na, kase nasasaktan parin, kase masasaktan lang ng paulit-ulit.

But then my heart sees differently. Nakikita niya yung crowd, nakikita niya yung mga taong nagbubulungan. Everyone's phone got whipped out. Nakaabang mga tao sa kung anong gagawin namin.

My heart sees their mouths move. My heart lip reads them. Her name. Mine. But they talk about her more. Other names come out of their mouths. Puro lalake, at parang nabasa ko yung mga pangalan sa article.

My heart sees what I keep on closing my eyes at. Nakikita niya yung mga bagay na pinag bubulag-bulagan ko.

My heart is taunting me. Provoking. Ginagalit ako ng sarili kong puso. Taksil.

"Do you see them?" I moved and whispered to her. She nodded and moved her head closer.

"Hayaan mo nalang siguro."

I saw a flash somewhere. From one angle people would think I was kissing her or something. But really, we were just whispering.

Patuloy parin yung puso ko. Nang aasar. Nang iinis. Pinapaalala sakin na sila dati yung mga hindi naman kami pinapansin. Sila yung mga tao dati na hinayaan lang kami nung binuwag ng management yung loveteam. Tapos ngayon, may binulong lang ako kilig na kilig na kayo.

Parang dati mas gusto niyo pang partner ni Janella si Elmo ah.

-

Speak of the devil and the devil shall appear.

Sa dinami-dami ng tao dito, yun pang newlyweds ang unang nagapproach samin.

Iba kase yung set up ng reception. Boodle fight kanina yung kainan tas small tables for 2-3 people para magrelax.

Si Janella lang kasama ko sa table. Pero occupied lahat ng tables na malapit samin. Daming chismoso at chismosa talaga. Tsk. Wala paring pagbabago, limang taon na nakalipas.

"Buti nakarating kayo." I shook Elmo's hand with a matching 'Congrats Pare'

"I do believe we haven't formally met. Janine. Hi." The bride offered her hand, which I kissed. Nagpaalam muna ko kay Elmo ha, tumango siya.

Sakto namang tumugtog ang Born For You ni David Pomeranz.

"Wow, napapunta mo talaga si David ah."

"Ninong David Jea. Ninong ko na siya sa kasal. Themesong natin yan, wanna dance?"

"Ha?" Kinabahan naman agad si Janella. Agad yung lingon niya kay Janine eh.

"Sige na go. Pagod na ko. Magkkwentuhan muna kami ni Marlo."

Nginitian ko nalang siya nung tinignan niya ko para magpaalam. Bat ka nagpapaalam? Diba sabi mo walang tayo?

Ang labo talaga.

"Ng?" Ay, nasabi ko pala ng malakas yun? Napatanong tuloy si Janine.

"Nothing. Have I told you that you look absolutely radiant today?"

"Been told that many times. Sa asawa ko lang ako naniniwala."

"Point taken. Then has someone already thanked you?"

"Para saan? Para sa reception?"

"Nope. Thank you for radiating love and happiness for today. The world needs a blooming bride each day to keep on spinning."

Tinawanan lang ako. Pambihira.

"Alam mo, based sa mga kwento ni Janella, di ka ganyan kasmooth talker dati."

"Effective ba?" She laughed again. To be honest I wasn't smooth-talking. Nagsasabi ako ng totoo ah. Nakakahawa yung saya ng bride pag bagong kasal. Nahawa nga ko pati sa tawa niya eh.

Mukhang kaya naman ng puso kong makita siyang may kasayaw na iba.

OursWhere stories live. Discover now