A/N: Sorry for the short update. Ganun lang talaga yun. But here's part three. Enjoy!
MKung magkakatotoo man yun kantang 'Ale Nasa Langit Na Ba Ako' ay malamang ngayon yun. Kung kaya ko lang kumanta ngayon siguro binibirit ko na yun.
Unang beses na nagkamalay ako, may naririnig akong umiiyak.
Pangalawang beses, nagalaw ko kamay ko. May humawak sakin. Pamilyar. Matagal ko nang hindi nahahawakan ang kamay na yan.
Pangatlo, pagdilat ko ng aking mga mata. Nandito siya.
"Janella."
"Marlo. Marlo are you okay? Tumawag na ko ng doktor. Sabi napagod ka lang daw sobra. Dinala ka namin dito nila Sean. Nagkaganito ka ba dati?"
Napangiti nalang ako. Yung pagaalala niya sakin halos pang mag-asawa na eh. Sabi na nasa langit na ata ako. Para akong nagdidiliryo.
Kung eto na ang huling memorya ko bago ako mamatay, sige Lord, kunin niyo na ko. Sasama na ko sa anghel na ito.
--
"We can't just end this."
"You've done that before. You ended us."
"You know that wasn't my decision. And I did everything I can para sainyo."
"But we can't do this. I CAN'T!"
Si Janella yun. Sure ako. Gusto ko man sabihing gising na ako, wag nalang. Ayokong makaistorbo sa usapan nila.
"You have to Jea. Sinasabi ko sayo, ngayon palang nakalinya na lahat ng endorsements. Yung movies final drafts na. Oo may s, plural. Everybody's clamoring for MarNella."
"Funny how five years ago nobody seemed to care."
"Gusto nila ng drama eh. Eto kayo ngayon oh. Ikaw na alam mo na. Tas biglang babalik tong unang love team mo. Makikita kayong magkasama after ilang years na naghiwalay kayong walang rason. The last time something as real as this happened was with AlDub at wala sa atin yun."
"So igagaya niyo kami sakanila. Please. Matanda na kami. Di pabebe. And I'm friends with Maine. Yaan niyo na yung mag-asawa."
"Of course not. Di igagaya. Pero wala naman na kasi kayong magagawa eh."
"Unless he decides not to."
Feeling ko yun na yung cue para magising ako. Hay Janella, why am I so whipped?
--
"Okay ka na? Kailangan mo ng doktor?"
"Nnggnnhhh." Okay lang ako, cute mong mag-alala.
Tinulungan niya kong makaupo. Ugh, sakit ng ulo ko. Pero may pagka-milagrosa ata tong babaeng to, gumaganda pakiramdam ko pag malapit siya sakin.
"Hi Marlo! Long time."
"Ta -dget, ha - rry." Tita Gidget. Hi! Sorry sa ganito pa tayo nagkita.
"Oh, okay ka na ba?" Tanong niya after akong painumin ni Janella ng tubig. Sana maysakit nalang ako lagi, ang sarap ng feeling ng bine-baby.
"Opo. Uh, naguusap ba kayo kanina? I heard you shouting."
"Nagising ba kita? Sorry. Kasi -"
"We need MarNella back." 'To talagang si TIta Gidge, walang pasakalye. Ganyan din yun dati nung pinaghiwalay kami eh. Isang simpleng "May bago nang loveteam si Jea. Sabi nila" tas boom, wala na. Presscon na ng BFY agad-agad.
"Di ko nasabi sayo to kanina Jea pero may video nung dinala na si Marlo sa ER. Alam niyo naman siguro kung gaano na kaadvance technology nowadays. Ayun, kalat na kalat na."
Pagpyestahan ba na wala akong malay at halos mamatay na sa kakaalala sakin si Janella?
Ay teka, halos mamatay na siya sa kakaalala sakin? Uy.
"I need you two back. Please. Alam ko naman yung hindi ko ginawa dati eh. Pero people are clamoring for you. Noon pa man kase dapat kayo na yung binigyan namin ng spotlight. I really apologize for that. Let me make it up to you now."
Iba rin tong si Tita Gidget eh. Di ba niya alam na sa sobrang dami naming pinagdaanan eh hindi na kami magpapadaan sa emosyon namin? Isang sulyap ko lang kay Jea eh, kita ko nang di siya naniniwala.
Lalapit lang sila sayo pag may kailangan sila, tapos itsyapwera ka na. Welcome to the reality of show business.
"Alam mo Tita Gidge ha. That was all in the past okay? I moved on, she moved on. Gets naman namin yun eh. Pero yung decision para samin? Bahala na si Janella."
Ang drama drama pa nung pagkakasabi ko, sobrang titig ko pa kay Jea, eto palang dapat kausap ko may ibang kausap. Hay nako.
"Look. I need you two okay. And kung hindi ko kayo madadala sa santong dasalan, santong paspasan tayo. I don't want us to come down to this pero you both still have pending contracts with us. If you don't want then we'll see you both in court."
Ay wow, walkout queen.
YOU ARE READING
Ours
FanfictionChoosing to love him, with all that he has done, wasn't part of her plan. Choosing to hurt her, with all that she means to him, wasn't his either. That was before. Now, choosing to love or hurt each other, the decision is theirs.